Barangay official na si Phez Raymundo, nag-sorry sa delivery driver ng lugaw

by Jojo Gabinete
Apr 2, 2021
Barangay official Raymundo, may paliwanag sa engkuwentro nila ng delivery rider na si Marvin Ignacio: "Napagod din po siguro ako, nagkamali ako ng pagpili ng salita na hindi po akma dun sa aking ipinapaliwanag kay Marvin, so pasensya po ulit sa lahat at sa publiko po."
PHOTO/S: Barangay Muzon Facebook

Winakasan na ni Phez Raymundo ang kontrobersya tungkol sa kanyang pagkastigo sa Grab delivery rider na si Marvin Ignacio na hindi essential food ang lugaw.

Si Phez ang VAWC (Violence Against Women and Children) desk officer ng Barangay Muzon, San Jose del Monte, Bulacan.

Naging sentro si Phez ng mga batikos matapos sitahin si Marvin na nilabag nito ang ipinatutupad na community quarantine curfew hours noong madaling-araw ng Holy Wednesday, March 31.

Nag-viral ang video kunsaan makikitang paulit-ulit na sinabi ni Phez kay Marvin na hindi maituturing na essential travel ang pag-deliver ni Marvin ng lugaw sa customer nito.

Gayong malinaw sa pinakitang dokumento ni Phez na pinapayagan ang "provision of food and essential services."

Naging national issue pa ang insidente dahil umalma ang sambayanang Pilipino na napanood ang viral video.

Sa tulong ni Barangay Captain Marciano Gatchalian, lumantad si Phez sa publiko para humingi ng paumanhin kay Marvin at sa netizens na galit na galit dahil hindi nila matanggap na hindi essential food ang lugaw.

Continue reading below ↓

Pero hindi ipinakita ni Phez ang buong mukha dahil may suot siyang face mask alinsunod sa safety protocol.

Sa video na inilathala sa official Facebook page ng kanilang barangay, mapapanood ang video ng paghingi ng dispensa ni Phez kay Marvin:

"Ako po si Phez Raymundo, kawani ng barangay, nakatalaga bilang VAWC desk officer na humihingi po ng paumanhin sa nangyaring viral noong nakaraang araw tungkol po dun sa lugaw sa may Harmony Hills,” bungad na pananalita ni Phez.

"Sa ’yo Marvin, kung na-offend ka dun sa aking nabanggit, ako ay humihingi ng paumanhin kasama na rin po dun yung may-ari nung establishment at dun sa mga Grab drivers.

"Muli Marvin, humihingi ako ng paumanhin sa ’yo at saka dun po sa netizens. Alam ko na naapektuhan kayo dun sa aking nabanggit."

Aminado si Phez na nakapagbitiw siya ng mga salita na nakasakit kay Marvin.

"Hindi ko po gusto na ma-offend kayo.

Continue reading below ↓

"Yun po ay hindi intensyonal dahil po late na po nang madaling-araw ‘yon.

"Napagod din po siguro ako, nagkamali ako ng pagpili ng salita na hindi po akma dun sa aking ipinapaliwanag kay Marvin, so pasensya po ulit sa lahat at sa publiko po."

Naging viral ang video ng paninita at pangangaral kay Marvin ni Phez kaya naging biktima ito ng mga panglalait at batikos.

Ang paghingi ng paumanhin at pagpapakumbaba ni Phez sa araw ng Biyernes Santo ang inaasahan na solusyon para tantanan na siya ng netizens na naghihimagsik dahil hindi nila maatim ang pagyurak sa dangal ng lugaw nang ituring ito na hindi essential.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barangay official Raymundo, may paliwanag sa engkuwentro nila ng delivery rider na si Marvin Ignacio: "Napagod din po siguro ako, nagkamali ako ng pagpili ng salita na hindi po akma dun sa aking ipinapaliwanag kay Marvin, so pasensya po ulit sa lahat at sa publiko po."
PHOTO/S: Barangay Muzon Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results