Mark Anthony Fernandez, klinaro ang isyu sa kanyang COVID-19 vaccination

by Jojo Gabinete
Apr 2, 2021
Mark Anthony Fernandez, may official statement tungkol sa pagpapabakuna niya sa Parañaque City: "Unang-una, nasa substitute list ako. Pangalawa, kapag yung gamot, inilabas, mapapanis kapag hindi ginamit at since nasa substitute list ako, automatic, ako ang bibigyan."

Naging isang malaking isyu ang pagpapaturok ni Mark Anthony Fernandez ng AstraZeneca COVID-19 vaccine noong March 22 sa vaccination center ng Parañaque City.

Hindi medical frontliner ang aktor kaya inakusahan ito na tumalon sa pila ng mga prayoridad na mabakunahan.

Pero ipinagtanggol siya ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Sinabi ni Olivarez na kasama ang pangalan ni Mark sa substitute at priority list dahil may comorbidities na depression at hypertension umano ang controversial actor.

Pati si Mar Jimenez, chief ng Parañaque City Public Information Office, ay nagsabing matagal naghintay sa pila si Mark hanggang sa mabigyan siya ng tirang vaccine noong araw nagpunta ang aktor sa vaccination center.

Mula nang lumaki ang isyu, pinili ni Mark na manahimik.

Pero ngayong Biyernes Santo, Abril 2, bigla siyang nakipag-ugnayan sa Cabinet Files para magbigay ng kanyang opisyal na pahayag.

Mark Anthony speaks about the issue

Ayon kay Mark, magsasalita na siya dahil gusto niya na malaman ng publiko ang katotohanan at para hindi na madamay ang mga inosenteng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya: "Itong official statement ko para hindi nami-mislead ang mga tao kasi yung iba, sila ang napapahamak because of me.

"Para hindi na sila mahirapan na magpaliwanag, ito ang official statement ko.

"Unang-una, nasa substitute list ako.

"Pangalawa, kapag yung gamot, inilabas, mapapanis kapag hindi ginamit at since nasa substitute list ako, automatic, ako ang bibigyan.

"Number 3, ako ang 'virtue' sa nangyari. Ang buhay ng tao ang nakasalalay dito, ang buhay ko ang nakasalalay."

Nakiusap si Mark na sana ay tigilan na ang pambabatikos sa pagpapaturok niya ng bakuna.

Lahad pa ng aktor: "Wala naman masama na alagaan ko ang sarili at ang health ko.

"Yun ang importante na word, buhay ang nakasalalay. May masama ba sa pag-aalaga sa sarili?

"Huwag niyo naman gawin na masama ang isang mabuting bagay.

"Sana ayusin nila ang pagiging malisyoso. Malisya ang kailangan, hindi ang pagiging malisyoso."

Binanggit din ni Mark na marami ang lumakas ang loob na magpaturok ng COVID vaccine dahil sa kanyang pagpapabakuna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At bago matapos ang aming pag-uusap, nagkuwento siya tungkol sa role niya sa Biyernes Santo.

"Si Angel Michael ang karakter ko sa Biyernes Santo. Mahirap ang role ko dahil sa white contact lens na ipinagamit sa akin.

"Talagang halos magsugat na yung mata ko. Yung contact lens na ‘yon, wala akong nakikita. Mistulang bulag ako habang umaarte ako."

Ang Biyernes Santo ang suspense thriller movie na unang project ni Mark para sa 2021 at streaming ito sa VivaMax mula pa noong March 26.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez, may official statement tungkol sa pagpapabakuna niya sa Parañaque City: "Unang-una, nasa substitute list ako. Pangalawa, kapag yung gamot, inilabas, mapapanis kapag hindi ginamit at since nasa substitute list ako, automatic, ako ang bibigyan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results