Brandy Ayala nakauwi na sa bahay sa Tondo matapos ang isang taong pagkawala

by Jojo Gabinete
Apr 4, 2021
In the '80s, nakilala si Brandy Ayala sa mga pelikulang Bed Sins, Mababangis na Bulaklak, at iba pang sexy movies. Fast forward to 2021, hirap siya sa kanyang pamumuhay. Kakabalik lang niya sa kanilang bahay sa Tondo matapos ang isang taong pagkawala.
PHOTO/S: File; courtesy of Jojo Gabinete

Ang pagkawala ng former bold star na si Brandy Ayala (Remedios Estrada sa tunay na buhay ) ay ibinalita ng Cabinet Files sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 8, 2020.

Naninirahan ang 56-year-old na si Brandy at ang kanyang pamilya sa Tondo, Manila, pero hindi na siya umuwi sa kanilang tahanan noong March 16, 2020, isang araw matapos ideklara ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa coronavirus pandemic.

Ang pamangkin ni Brandy na si Ralph Estrada ang nagkuwento sa Cabinet Files na nawawala ang kanyang tiya na meron nang kapansanan sa pag-iisip dahil sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot noong aktibo pa ito sa showbiz.

Nakilala si Brandy noong dekada '80 bilang isa sa "Liquor Beauties," at discovery siya ng controversial talent manager na si Rey dela Cruz.

Naging artista si Brandy sa era ng penetration o pene movies, ang tawag sa bold films na may mga actual sex scene.

Continue reading below ↓

Makalipas ang halos dalawang dekada, si Brandy ang subject ng mga television talk show at public service program dahil naging palabuy-laboy ito sa Divisoria, namamalimos at nanghihingi ng makakain.

BRANDY AYALA SPOTTED IN MANDALUYONG

Hiningi ni Ralph ang tulong ng PEP.ph para matukoy ang kinarororoonan ng kanyang tiya.

Noong August 21, 2020, nakipag-ugnayan si Ralph sa Cabinet Files dahil may nakapagsabi sa kanya na namataan si Brandy sa Mandaluyong City.

Kailangan ni Ralph ng pera na ipambabayad sa jeep na aarkilahin at gagamitin sa pag-iikot niya sa Mandaluyong City para mahanap si Brandy.

Nagpadala ang writer na ito kay Ralph ng pera na panggastos, pero ayon sa kanya, nabigo siyang makita si Brandy.

BRANDY AYALA DIED?

Noong September 21, 2020. Sunud-sunod na text messages ang natanggap ng Cabinet Files mula kay Ralph.

Ibinalita niyang namatay na raw si Brandy sa isang ospital sa Mandaluyong City, at mismong siya ang nakakita sa bangkay ng kanyang tiya sa punerarya.

Continue reading below ↓

"Kaninang umaga, may pumunta sa amin na empleyado ng Mental Hospital. Four months na pala na nandoon ang Tita ko. Nanghina na lang daw, sabi sa akin ng empleyado doon,” ang mensahe ni Ralph.

Nang itanong ng Cabinet Files ang pangalan ng funeral parlor na pinagdalhan kay Brandy, iba-iba ang pangalan at address na sinabi ni Ralph kaya humingi na lang kami sa kanya ng litrato ng katawan ng kanyang tiya bilang pruweba, pero hindi na siya sumagot.

BRANDY RETURNS HOME

Noong March 31, 2021, Holy Wednesday, muling kinontak ni Ralph ang Cabinet Files

Ang mga mensahe niya ay may kasamang mga litrato ni Brandy.

"Sir, nandito na po si Brandy, kakahatid lang po ngayon. Pwede niyo po puntahan. Kahahatid lang ng DSWD. Puntahan niyo na lang kung gusto niyo. Baka hindi kayo naniniwala, e."

Ipinaalala namin kay Ralph ang kanyang sinabi noong September 21, 2020 na namatay na si Brandy at siya mismo ang nakakita sa bangkay.

Continue reading below ↓

Ipinadala namin sa kanya ang mga screenshots ng mga mensahe niya tungkol sa diumano’y pagpanaw ng dating bold star.

"Sana matulungan niyo kami. Pasensya na kung nakipagsinungaling ako sa inyo noong nakaraan. I-video call ko siya kung gusto niyo,” ang sumunod na mensahe ni Ralph.

Ikinuwento ni Ralph na natukoy ng DSWD ang address nila sa Tondo dahil ipinasulat ito kay Brandy sa papel.

"Inilagay niya sa papel ang Kahanding St.,Tondo, Manila, pati ang pangalan ng kanyang teacher sa Nolasco. Nakakapagsalita na po siya, pero medyo nahihirapan. Tumaba siya, masaya siya, at sumusunod na sa mga sinasabi sa amin.

"Matagal siya sa Mental Hospital sa Mandaluyong at kinuha lang siya ng DSWD,” ang mga impormasyon na sinabi ni Ralph sa Cabinet Files.

Para makatiyak na katotohanan ang sinasabi ni Ralph, isang kapit-bahay nila sa Tondo ang aming tinawagan, at kinumpirma nitong natagpuan na si Brandy at nakabalik na ito sa kanyang tahanan.

Continue reading below ↓

Ang tulungan si Brandy ang panawagan ni Ralph dahil mahirap na mahirap ang kanilang pamumuhay.

Walang trabaho si Ralph sa kasalukuyan at malaki ang epekto sa kanila ng pangalawang beses na pagpapatupad ng ECQ kaya humihingi siya ng financial help para sa pang-araw-araw na pagkain nila.

Labis na nag-aalala si Ralph na baka umalis ng bahay at mawala na naman si Brandy kapag nakaranas ito ng gutom.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In the '80s, nakilala si Brandy Ayala sa mga pelikulang Bed Sins, Mababangis na Bulaklak, at iba pang sexy movies. Fast forward to 2021, hirap siya sa kanyang pamumuhay. Kakabalik lang niya sa kanilang bahay sa Tondo matapos ang isang taong pagkawala.
PHOTO/S: File; courtesy of Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results