Laugh trip ang asaran ng ina at kapatid ni Bea Alonzo

by Jojo Gabinete
Apr 5, 2021
Mommy Mary Ann Ranollo on kids James Carlos (L) and Bea Alonzo (R): "Pareho silang vain"
PHOTO/S: Screen Grab from Bea Alonzo on YouTube

Brutally frank pero funny and lovable ang nanay ni Bea Alonzo na si Mary Ann Ranollo.

Makikita ito sa latest vlog ng kanyang actress-daughter kung saan sinagot ni Mary Ann sa "Who’s Who" game ang mga tanong tungkol sa ugali ng kanyang dalawang anak sa pamamagitan ng paglulublob sa mukha nina Bea at James sa isang plastic bowl na may lamang tubig at yelo.

Lumitaw ang pagiging natural comedienne at honest ni Mary Ann sa mga paliwanag nito tungkol sa mga ipinasagot sa kanyang tanong tulad ng: "Sino ang mas tanga sa pag-ibig?"

Ang walang alinlangan na sabi ni Mary Ann, "Dyusko, si Bea! Guys, si Bea Alonzo iyon! Di ba ang tanga?” ani Mary Ann bago niya inilublob nang wagas si Bea sa plastic bowl.

Youtube Vlog: Bea Alonzo with mom Mary Ann Ranollo

Continue reading below ↓

Si Bea rin ang sinabi ni Mary Ann na tamad sa gawaing-bahay, magaling sa school, makalat sa gamit, burara dahil naiiwan sa eroplano ang passport, magastos, at malihim lalo na sa katangahan.

Hindi naman nakaligtas si James sa panlalaglag na ginawa ng nanay nila ni Bea nang tanungin ito kung sino sa kanyang mga anak ang maarte.

"Pareho silang vain,” ang sagot ni Mary Ann.

Ang may pagpoprotesta na reaksiyon ni James, “Vain ba ang ganitong itsura?”

Ang walang pakundangan pero nakakatawang sabi ni Mary Ann, "Pangit ka pero maarte ka!! Tatlong beses ka maligo."

Ang sundot na sagot ni James, “Ang nanay ang pinaka-nagsasabing una na guwapo sa anak!"

Ang walang kamali-malisya na buwelta ni Mary Ann sa kanyang carbon copy na bunso, "Naku baka sabihin ng tao, sinungaling ako. Panget ka!"

Ang apela ni James, "Magkamukha tayo dapat?”

Hirit ni ang Mary Ann habang tawa nang tawa si Bea sa palitan ng salita ng kanyang ina at kapatid, "E, di ba panget nga ako? Kaya nag-anak ako ng beautiful. Bea is beautiful.”

Continue reading below ↓

Nang mabanggit ang pagiging sporty ng kanyang dalawang anak, muling napagdiskitahan ni Mary Ann si James.

Una munang nagsalita si Bea.

"Gusto kong maging sporty noong bata ako, ayaw ni Mama. Dati kasi gusto kong maging sporty, si Mama, kapag merong extra-curricular activities, bawal bumalik sa school. Gusto kong mag-volleyball."

Ani Mary Ann, "Nakita mo naman Bea Alonzo, napakakinis mo. Kung pinabayaan kita... Hayaan mo na, hindi naman puwedeng lahat sa iyo. Maganda ka naman.

"Hayaan mo na dito [sabay turo kay James]. Ito, sporty, look at him…”

Ang banat na sagot ni James, "Grabe! Grabe! Siya nga yung kamukhang-kamukha ko."

Ang tanong ni Mary Ann kay James, "Bunso, bunso, kung ikaw, kung hindi tayo mag-ina, liligawan mo ba ako?”

Ang sagot ni James, "Siyempre, hindi!”

Sabi ni Mary Ann, "Ah hindi rin kita gugustuhin,” saka ito humalakhak nang pagkalutong-lutong.

Naghatid ng kasiyahan at good vibes sa publiko ang biruan ng mag-iina, at natuwa nang todo ang mga tao kay Mary Ann dahil sa pagiging totoo niya sa sarili.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mommy Mary Ann Ranollo on kids James Carlos (L) and Bea Alonzo (R): "Pareho silang vain"
PHOTO/S: Screen Grab from Bea Alonzo on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results