Prank nina Arci Munoz at JM de Guzman: funny or foul?

by Jojo Gabinete
Apr 5, 2021
Kuha ito sa presscon ng Last Fool Show, ang 2019 movie nina JM de Guzman at Arci Munoz, na nagsimula ang pagkakaibigan noong pang 2005 sa UP Diliman, kung saan pareho silang Theater Arts students.
PHOTO/S: Jerry Olea

May mga natuwa sa ginawa nina Arci Munoz at JM De Guzman nitong Easter Sunday, April 4.

Meron ding nawalan ng gana sa dalawa.

Mag-best friends ang matagal na pagpapakila nina Arci at JM sa mga sarili sa publiko. Ngunit noong araw na iyon, nagpost silang sila na.

Ngayong Lunes, April 5, 2021, binaligtad nila iyon. Isiniwalat ni Arci sa vlog nito na prank lamang ang mga post nila ni JM.

Sinabi rin niyang ang kanyang kapatid na babae ang nakatanggap ng bulaklak at proposal mula sa boyfriend nito.

Hindi sila ni JM ang nagkamabutihan.

Kung tutuusin, sa Easter Sunday post ni Arci ay wala siyang binanggit na mga pangalan.

Caption niya sa post: “Just really glad that the whole family was able to witness this beautiful moment. (heart emoji) on me vlog tomorrow. (face throwing a kiss emoji) #mayforever #frombestfriendstolovers (heart emoji).”

Ngunit ang video ay nakasentro sa kanila ni JM.

Continue reading below ↓

At ngayong binabawi nila, ibig sabihin ay alam nilang marami silang napaniwala.

Creative ang prank kung tutuusin. Maganda ang twist sa tahi ng istorya.

Pero, hindi cool.

Yung good vibes, good time pala.

Yung good news kahapon, fake news ngayon.

Para kina Arci at JM, katuwaan lang ang kanilang ginawa, pero para sa mga naniwala, kasayangan ito ng oras.

Lalo na sa mga ganitong panahong allergic na ang tao sa naglipanang fake news.

"In bad taste" rin ang prank ng dalawa dahil sineryoso ito ng karamihan ng websites dahil nga naman galing mismo sa artista ang balita.

Kaya nitong Easter Sunday, may mga naglaan ng oras para isulat at para basahin ang post ng romansa nila.

Kung April Fool's Day sana kahapon, baka puwede pang palampasin ang prank, at puwedeng sabihing pikon ang hindi maka-get sa joke.

Pero naging mistulang publicity stunt ito na bad timing pa dahil nilaro nila ito sa araw ng Pagkabuhay ni Hesus at sa panahong nagdurusa ang lahat sa bagsik ng coronavirus-19 pandemic.

Continue reading below ↓

May leksyong matututunan mula sa "prank" nina JM at Arci, at ito ay ang maging maingat ang lahat—lalo na ang mga news organizations, kasama na ang PEP.ph—sa pagpatol sa mga balita, kahit mismong ang celebrity na ang nagkakalat nito tungkol sa sarili.

Ang leksyon naman para kina Arci at JM ay maging sensitive at considerate sa kapwa. Ibig sabihin, kung bored sila at nangangailangan ng excitement, huwag nang mandamay ng mga nagseseryoso sa Holy Week.

Binigyan pa nina JM at Arci ng dahilan ang publiko para pagdudahan ang kanilang mga susunod na paandar sa social media.

Wala na silang ipinagkaiba sa popular Aesop’s fable na The Boy Who Cried Wolf. Huwag sanang mangyaring may importante silang anunsiyo sa mga darating na panahon, at hindi na sila paniwalaan.

Sa panahon ngayong maging ang mga artista ay may kakayahan nang mag-break ng sariling news, hindi lang looks at talent ang importante.

Kredibilidad din.

Continue reading below ↓

At dahil ang mga artista ay mas may kakayanang mang-impluwensiya, dapat lang na gamitin ang impluwensiyang ito sa tama.

The views and opinions expressed in this article are those of the author/s and do not necessarily reflect the position of the editorial team of PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuha ito sa presscon ng Last Fool Show, ang 2019 movie nina JM de Guzman at Arci Munoz, na nagsimula ang pagkakaibigan noong pang 2005 sa UP Diliman, kung saan pareho silang Theater Arts students.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results