Miguel Tanfelix, ganado magtrabaho sa I Can See You series nila ni Kyline Alcantara

by Jojo Gabinete
Apr 5, 2021
Miguel Tanfelix, determinadong mas pagbutihin ang trabaho niya bilang actor: "Kailangan mong maging on your toes palagi, hindi ka puwedeng nagre-relax lang. You also have to help yung production dahil konti lang kayo."
PHOTO/S: Corporate Affairs and Communications

Ngayong gabi, 8:50 p.m. ang premiere ng #Future episode ng I Can See You ng GMA-7.

Ayon sa direktor na si Dominic Zapata, tumagal ng limang araw ang lock-in taping nila para sa programang pinagbibidahan nina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix.

Luckily, natapos ang kanilang taping para sa #Future bago muling ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region at sa mga lalawigan ng Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.

MIGUEL ON LOCK-IN TAPING EXPERIENCE

Si Miguel ang male lead ng #Future at aminado siyang hindi madali para sa kanya ang mga pinaiiral na protocol sa lock-in tapings pero maraming natutunan ang 22-year-old actor.

"Actually, aminin ko mahirap siya. Kumbaga, bagong challenges ito sa industry namin dahil dati we have a lot of time para gawin.

"Kung hindi namin matapos ito today iko-continue namin kinabukasan hanggang pahaba nang pahaba," ang sabi ni Miguel sa recent virtual presscon ng I Can See You.

Continue reading below ↓

"Pero ngayon, kailangan mas disiplinado kami sa mga ginagawa namin. Kino-compute namin kung ilang oras kami dito kasi binigyan lang kami ng allotted time para mag-taping.

"As an actor, medyo mahirap siya kasi sunud-sunod yung mga eksena, paspasan.

"Konti lang ang time to prepare. And for me, important yung preparations kung papasok ka sa isang eksena.

"Kailangan mong maging on your toes palagi, hindi ka puwedeng nagre-relax lang.

"You also have to help yung production dahil konti lang kayo. Yung responsibilities mo like wardrobe, yung mga bitbit mong dala, dapat nasa isip mo na ‘yan dahil tulungan tayo dito."

ON TOUGH COMPETITION WITH OTHER PLATFORMS

Ang pagsulpot ng maraming platforms na naghahatid ng mga bagong panoorin ang isa sa mga dahilan kaya seryoso si Miguel na makatulong sa television industry.

Ibinigay ni Miguel na halimbawa ang mga salitang binitiwan ni Zapata na isang paraan ng pagpapakita niya ng malasakit sa industriya na naging mabuti sa kanila.

Continue reading below ↓

"Tulad nang sinabi ni Direk Dom bago kami nag-taping, imo-move forward namin yung industry, yung television dahil we all know, marami nang platforms ngayon like Netflix, Disney Plus.

"Ang dami nang nagkalat diyan. So kung gusto natin mag-stay dito, we have to put more effort sa kung ano yung mga ginagawa natin dati.

Hindi lang professionally, hindi lang sa acting kundi yung mga bagay na hindi niyo sinasagot dati, puwede ninyong sagutin ngayon para mas maganda 'yung trabaho."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix, determinadong mas pagbutihin ang trabaho niya bilang actor: "Kailangan mong maging on your toes palagi, hindi ka puwedeng nagre-relax lang. You also have to help yung production dahil konti lang kayo."
PHOTO/S: Corporate Affairs and Communications
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results