Misis ni Dennis Da Silva, lubos na ikinalungkot na nahatulang guilty sa kasong rape, child abuse ang dating aktor

by Jojo Gabinete
Apr 6, 2021
Tina King Da Silva, dismayado sa hatol laban sa asawang si Dennis Da Silva: "Nang sabihin ng judge na life imprisonment, naku, kung nakita mo ang mukha niya… Nalaglag talaga ang balikat niya kasi asang-asa kami na makakalaya siya. Napaiyak siya nung makita niya na umiyak na yung anak namin."
PHOTO/S: Tina King Da Silva

"Magpapalakas ako para sa inyo. Hindi ko hahayaan ang sarili ko na magkasakit o magkaroon ng COVID para sa ating future."

Ito ang pangakong binitiwan ng dating aktor na si Dennis Da Silva sa kanyang asawa na si Tina King Da Silva.

Buhat nang ideklara ang enforced quarantine sa Luzon noong March 15, 2020 dahil sa coronavirus pandemic, hindi na nagkita sina Dennis at Tina dahil ipinagbawal ang mga bisita sa Special Intensive Care Area (SICA) ng Metro Manila District Jail sa Taguig City.

Apat na taon nang nakakulong si Dennis sa SICA bago siya hinatulan ng life imprisonment ng Branch 261 ng Regional Trial Court (RTC) ng Pasig City noong February 7, 2020 dahil sa mga kaso ng rape at child abuse na isinampa ng dati niyang live-in partner.

Labing-isang (11) taon namang nakapiit sa Pasig City Jail si Dennis bago siya dinala sa SICA.

At noong February 2021, inilipat na siya sa national penitentiary, sa New Bilibid Prison, Muntinlupa City para dito pagdusahan ang hatol sa kanya habang nakaapela sa Court of Appeals ang mga kaso niya.

Continue reading below ↓

Nagdiwang si Dennis ng kanyang 48th birthday noong February 19.

Si Dennis ay dating bahagi ng sikat na '90s youth-oriented variety show na That's Entertainment.

Napanood din siya sa mga pelikulang Captain Barbell (1986), Ninja Kids (1986), Me & Ninja Liit (1988), Sheman: Mistress of the Universe (1988), at Underage Too (1991).

WHO IS DENNIS DA SILVA'S WIFE?

Aminadong malungkot ang pamilya ng dating aktor dahil hindi nila ito nakasama.

Ang asawa ni Dennis na si Tina, walang araw na hindi iniisip si Dennis mula nang ipagbawal ang pagtanggap ng bisita sa SICA dahil sa COVID-19 at lalo na nang dalhin sa Muntinlupa ang kanyang asawa.

Dakila ang pagmamahal ni Tina kay Dennis dahil tinanggap niya ang kasal na alok ng aktor, kahit walang katiyakan kung kailan ito makakalaya.

Naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa noong December 11, 2005. Nagkaroon sila ng dalawang anak—isang 14-year-old na babae at ten-year-old na lalake.

Continue reading below ↓

"Mabait siya at naniniwala ako na wala siyang kasalanan," saad ni Tina.

Dennis Da Silva and wife Tina

Hindi whirlwind romance ang relasyon nina Tina at Dennis dahil una silang nagkakilala at nagkaroon ng brief relationship habang aktibo pa ang aktor sa showbiz noong 1988.

Hindi nagtagal ang kanilang relasyon dahil nagpunta si Tina sa Dubai noong 1994 para magtrabaho bilang secretary.

Continue reading below ↓

Pero muling nagkrus ang landas nila noong 1998 at nagsama sa isang bahay sa Sta. Rosa, Laguna.

Muling nawalan ng komunikasyon ang dalawa nang bumalik si Tina sa Dubai hanggang mabalitaan niyang nakakulong si Dennis dahil sa child abuse at rape cases.

Nang magbalik si Tina sa Pilipinas noong 2005, nakatuwaan nila ng kanyang mga kaibigang dalawin si Dennis sa Antipolo City Jail; at dito muling nabuhay ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Wagas ang pagmamahal ni Tina kay Dennis. Kahit pagod si Tina

sa pagtatrabaho tuwing gabi sa isang call center company, hindi siya nawawalan ng panahon para dalawin sa kulungan ang kanyang asawa.

TINA MISSES DENNIS

Buhat nang ilipat si Dennis sa kulungan sa Muntinlupa, labis ang pag-aalala ni Tina dahil nagkakaedad na ang kanyang asawa at tumataas na ang blood pressure nito.

Kahit may daily maintenance medicine na ibinibigay ang jail management, gustung-gusto ni Tina na makausap nang personal at dalhan ng masasarap na pagkain ang dating aktor.

Continue reading below ↓

Pero mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagbisita sa mga bilanggo sa SICA dahil sa coronavirus pandemic.

Adobong pusit ang paboritong ulam ni Dennis, at ito ang madalas na dinadala sa kanya ni Tina noong pwede pa siyang dalawin sa bilangguan.

May mga pagkakataong maraming pagkain ang ipinaluluto ni Tina sa kanyang ina.

Pero ang alam ng ina ni Tina, ang mga kaibigan niya ang pagbibigyan niya, hindi si Dennis.

Ang mga sakripisyo ni Tina para kay Dennis ang dahilan kaya tinanong ng Cabinet Files si Tina kung bakit dakila ang kanyang pagmamahal sa dating aktor.

"Mabait talaga siya. Hindi rin naman niya ako binibigyan ng problema. Kumbaga, nasusuklian din.

"Every occasion, never na hindi siya nakapagpadala ng bulaklak sa akin for how many years.

"Every anniversary namin, lagi akong may bulaklak mula sa kanya."

Tina receives flowers from Dennis

Continue reading below ↓

Nasaksihan daw ni Tina ang pagiging madasalin at pagbabalik-loob ni Dennis sa Panginoong Diyos sa kulungan, sa tulong ng kapwa aktor na si Dennis Roldan na nakulong din noon sa Pasig City Jail dahil sa kaso ng kidnapping.

"Magkasama sila ni Dennis Roldan noong nakakulong pa sila sa Pasig. Yun ang time na naka-detain pa si Dennis Roldan bago siya nagkaroon ng temporary freedom.

"Very active siya, sa Pasig at the time. Parang may daily verse na idinarasal, si Dennis ang na-assign, every day 'yon," kuwento ni Tina.

ON GUILTY VERDICT VS DENNIS DA SILVA

Ayon kay Tina, hindi niya maiwasang magkaroon ng hinanakit sa judge na naghatol kay Dennis ng life imprisonment noong February 2020.

Hindi raw malilimutan iyon ni Tina dahil naapektuhan ang mga anak nilang nasaksihan ang buong eksena,

Ang pangyayaring iyon ay nag-iwan daw ng trauma sa kanilang pamilya.

"Noong nililitis si Dennis, pinalalabas kami mula sa korte para protektahan yung mga bata.

Continue reading below ↓

"Tapos noong hahatulan na si Dennis, hindi pinalabas yung mga anak ko.

"Kasama ko noon ang dalawang bata dahil asang-asa nga kami na makalalaya si Dennis."

Lubha raw silang nalungkot nang hatulang may sala si Dennis Da Silva.

Patuloy ni Tina: "Nang sabihin ng judge na life imprisonment, naku, kung nakita mo ang mukha niya…

"Nalaglag talaga ang balikat niya kasi asang-asa kami na makakalaya siya.

"Napaiyak siya nung makita niya na umiyak na yung anak namin. We’re expecting talaga na laya ang hatol kasi sobra-sobra na sa sentence."

Hanggang kailan siya maghihintay kay Dennis?

Mabilis ang sagot ni Tina dahil sa paniniwalang darating ang araw na lalaya ang asawa niya at mabubuo ang kanilang pamilya.

Aniya, "I’m still wishing na lalabas yung totoo, so nandito lang ako para sa kanya.

"I will always be here whatever it takes.

"Kung anuman ang kalabasan, I’m willing to wait because I know, lalabas din yung totoo."

Continue reading below ↓

dennis da silva's guilty verdict

Ayon sa hatol ng Pasig City RTC noong February 2021, napatunayang nagkasala si Dennis Da Silva para sa mga kasong rape at child abuse.

Ito ay dahil sa paulit-ulit na insidente ng pang-aabuso niya sa labing-apat na taong gulang na anak ng kanyang live-in partner simula noong 2001.

Naaresto si Dennis noong 2002.

Nahatulan si Dennis ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong sa bawat 15 bilang ng panghahalay (Article 266-A in relation to Article 266-B of the Revised Penal Code, as amended, in relation to Republic Act No.7610).

Maliban dito, nahatulan din ang dating aktor ng apat na taon, dalawang buwan, at isang araw hanggang anim na taon at isang araw na pagkakakulong para sa apat na bilang ng child abuse (Republic Act No.7610) sa biktima.

Para naman sa civil liability, ipinag-utos ng korte na bayaran ni Dennis ang biktima ng P100,000 para sa civil indemnity, P100,000 para sa moral damages, at P100,000 para sa exemplary damages o P300,000—may kabuuang halaga na P4.5 million—for each count of rape.

Continue reading below ↓

Pinagbabayad din si Dennis ng P380,000 o P95,000 each para sa four counts ng child abuse.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tina King Da Silva, dismayado sa hatol laban sa asawang si Dennis Da Silva: "Nang sabihin ng judge na life imprisonment, naku, kung nakita mo ang mukha niya… Nalaglag talaga ang balikat niya kasi asang-asa kami na makakalaya siya. Napaiyak siya nung makita niya na umiyak na yung anak namin."
PHOTO/S: Tina King Da Silva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results