Crying photo ni Luis Manzano, ginawang meme ng netizens; Megan Young, nabuhay ang viral video noong Miss World reign niya

by Jojo Gabinete
Apr 6, 2021
Luis Manzano, hinamon ang netizens na gawan ng meme ang kanyang crying photo nang ikasal siya kay Jessy Mendiola. Megan Young, natatawa pa rin sa kanyang viral video kunsaan huli sa cam ang kanyang funny reaction nang mag-guest siya sa isang talk show sa Indonesia.
PHOTO/S: Luis Manzano Facebook / Screengrab from Buka-Bukaan

May dalawang ganap sa social media na nagpapangiti, nagpapatawa, at naghahatid ng aliw sa mga kababayan nating nakakaramdam ng matinding kalungkutan dahil sa mga nangyayari sa paligid na epekto ng coronavirus pandemic.

Isa rito ang madamdaming crying photo ni Luis Manzano sa civil wedding nila ni Jessy Mendiola sa Lipa City, Batangas noong February 21, 2021.

Ikalawa ang lumitaw na old video ng guesting ni Megan Young bilang Miss World 2013 sa isang show sa Indonesia.

LUIS MANZANO'S MEME CHALLENGE

Isa si Luis sa mga Filipino celebrity na hindi natatakot na gawing katatawan ang sarili kaya mahal siya ng mga tagasuporta niya na napapasaya niya.

Tinanggap ng mga Pinoy ang hamon ni Luis na gawan ng memes ang crying photo niya.

Wagi naman ang hilarious response ng ating mga kababayan, na matataba ang mga utak at naging creative dahil sa kagustuhan nilang matakasan pansamantala ang mga depressing news tungkol sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Isa sa mga witty taglines na naisip ng netizens: "Yung nanay mo Recto pero ‘yung napangasawa mo Mendiola."

Ang meme na ito ay meron nang 76,000 likes at 31,000 comments sa Facebook page ng actor/television host sa loob lamang ng dalawang oras.

"OPEN FEKFEK" word play

Sa kabilang banda, laugh trip din ang reaksiyon ni Miss World 2013 Megan Young nang hingin namin ngayong gabi ang kanyang reaksyon sa video ng guesting niya noong November 23, 2013 sa Buka-Bukaan, isang talk show sa Indonesia.

"Laging sinasabi sa akin 'open fekfek,'" bungad ni Megan.

Hindi nakontrol ni Megan ang sarili dahil napabungisngis siya ng tawa sa paulit-ulit na pagsasabi ng "Open FekFek" ng Indonesian female hosts.

Close-up na nakunan ng cameraman si Megan nang takpan nito ng kamay ang kanyang bibig para mapigilan niya ang pagtawa habang nagsasalita ang female hosts ng "Buka-Bukaan, we have like open fekfek, open, open" bago nila ipinakilala ang reigning Miss World.

Continue reading below ↓

Natawa rin ang mga Pilipino na nakapanood sa old video na biglang lumitaw sa panahon ng pandemya dahil sa mga salitang narinig at hindi maiwasang mabigyan ng malisya.

Pero kung pakikinggang mabuti ang mga sinabi ng Indonesian female television host, "open fact fact" ang kanilang binitiwang salita.

Pero "open fekfek" ang pagkakaintindi ng mga Pinoy dahil sa mabilis na pagbigkas ng mga emcee.

Megan Young reaction to Indonesian open fekfek comment

Continue reading below ↓

Ipinapanood namin sa aming Indonesian friend na si Grace Melina ang video ng guesting ni Megan at siya ang nag-translate ng mga sinabi ng female hosts.

Ayon kay Grace, isang talk show sa Indonesia ang Buka-Bukaan at isang Bahasa word ang "buka" na ang translation sa Ingles ay "open."

"The show is called Buka-Bukaan. It’s a show where the host ask questions to the guest and they have to tell them the facts.

"There’s no such word as 'fekfek' in Indonesia.

"The hosts were saying 'fact fact' and they’re trying to be funny."

Ito ang paliwanag ng aming kaibigan tungkol sa mga salita ng mga host na nagpatawa kay Megan at sa mga Pilipino na nakapanood sa video ng programa na huling umere noong 2019 sa RCTI, isang free-to-air television network sa Indonesia.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano, hinamon ang netizens na gawan ng meme ang kanyang crying photo nang ikasal siya kay Jessy Mendiola. Megan Young, natatawa pa rin sa kanyang viral video kunsaan huli sa cam ang kanyang funny reaction nang mag-guest siya sa isang talk show sa Indonesia.
PHOTO/S: Luis Manzano Facebook / Screengrab from Buka-Bukaan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results