Rocco Nacino on ex-girlfriend Lovi Poe: "Lovi and I had a good talk before our scenes."

by Jojo Gabinete
5 days ago
Siniguro ni Rocco Nacino na hindi sila nagkailangan ng ex-girlfriend na si Lovi Poe nang muli silang magkatrabaho sa Kapuso prime-time series na Owe My Love. "All is well," sambit ni Rocco.
PHOTO/S: @nacinorocco / @lovipoe Instagram

Tumataginting na "Of course!!!"

Ito ang sagot ni Rocco Nacino nang itanong ng Cabinet Files kung nag-congratulate sa kanya ang ex-girlfriend niyang si Lovi Poe nang muli silang magkita sa lock-in taping ng Owe My Love noong February 2021.

May kinalaman ang pagbati ni Lovi sa pagpapakasal ni Rocco sa girlfriend nito na si Melissa Gohing noong January 21, 2021.

Higit apat na taon na ang nagdaan mula nang maghiwalay sina Rocco at Lovi.

Ano ang unang salita na nasabi niya sa muling paghaharap nila ni Lovi sa set ng Owe My Love?

Sagot ni Rocco, "Wala yata dahil dumiretso na kami sa taping ng eksena."

Dahil may kanya-kanya nang buhay at mga minamahal, maayos ang naging takbo ng taping ng reunion project nina Rocco at Lovi.

Lalo pa’t ikinuwento ng aktor sa isang interbyu noong March 2017 na nag-apologize sa kanya ang ex-girlfriend kaya nagkaroon ng closure ang kanilang break-up.

Continue reading below ↓

"All is well," paniniguro ni Rocco sa Cabinet Files.

Dugtong ng Kapuso actor, "I’m especially enjoying taping again and being in front of the camera.

"Lovi and I had a good talk before our scenes and that translated into not being awkward at all in doing all our scenes."

Apparently, awkward para kay Rocco ang aming follow-up question: nawawala ba ang pagmamahal sa isang tao na dating minahal nang labis?

Naiintindihan namin ang hindi na niya pagsagot sa tanong na ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Siniguro ni Rocco Nacino na hindi sila nagkailangan ng ex-girlfriend na si Lovi Poe nang muli silang magkatrabaho sa Kapuso prime-time series na Owe My Love. "All is well," sambit ni Rocco.
PHOTO/S: @nacinorocco / @lovipoe Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results