Yassi Pressman, magpapakitang-gilas bilang solo TV host ng Rolling In It Philippines

by Jojo Gabinete
Apr 7, 2021
Si Yassi Pressman ang solo host ng Rolling In It Philippines, ang bagong game show ng TV5 kunsaan hanggang PHP2M ang maaaring mapanalunan ng masuwerteng contestants.
PHOTO/S: @yassipressman Instagram / Rolling In It Philippines FB

Ipinakikita na ang teaser ng Rolling In It Philippines, ang bagong game show ng TV5 na may tagline na "One of the Biggest Arcade Games sa mundo."

Ito ay dahil aabot sa dalawang milyong piso ang premyo, at mabibigyan ng pagkakataon ang mga contestant na makalaro ang kanilang mga paborito na artista.

Ang Rolling In It Philippines ang local franchise ng popular game show sa United Kingdom na nagsimula noong August 2020, pero mabilis na kinagiliwan ng televiewers habang nasa gitna ng coronavirus pandemic ang buong mundo.

Si Yassi Pressman ang lone host ng Rolling In It Philippines na mapapanood simula sa May 15—apat na araw pagkatapos ng kanyang 26th birthday sa May 11, 2021.

Ang Rolling In It ang ipapalit sa Born to Be a Star, ang Saturday night talent search program na joint venture din ng Sari-Sari, Cignal TV at ng Viva Television.

Sa pag-uumpisa ng Rolling In It Philippines sa susunod na buwan, madaragdagan na ang mga game show ng Kapatid Network na malapit nang maging tahanan ng mga palaro na programa.

Continue reading below ↓

Sa TV5 rin napapanood ang The Wall Philippines ni Billy Crawford at ang 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy ni Xian Lim.

Malaking hamon ang naghihintay kay Yassi bilang game show host dahil siya lamang ang nag-iisang babae.

Kailangan ni Yassi na mapatunayan na hindi nagkamali ang mga producer sa pagpili sa kanya at hindi siya magpapahuli kay Xian at sa seasoned emcee na si Billy, kung hosting ng isang game show ang pag-uusapan.

By the way, magkakaroon ng celebrity players ang The Wall Philippines sa kauna-unahan na pagkakataon.

Ang Encounter stars na sina Cristine Reyes at Diego Loyzaga ang mga maglalaro sa The Wall Philippines sa darating na Sabado, April 10, 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Yassi Pressman ang solo host ng Rolling In It Philippines, ang bagong game show ng TV5 kunsaan hanggang PHP2M ang maaaring mapanalunan ng masuwerteng contestants.
PHOTO/S: @yassipressman Instagram / Rolling In It Philippines FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results