Isabel Rivas, higit isang taon nang hindi nadadalaw sa piitan si Dennis Roldan

by Jojo Gabinete
Apr 7, 2021
Isabel Rivas, may update sa kalagayan ng kapatid na si Dennis Roldan: "He is sick now, but hopefully maging okey na siya soon. Lungkot na lungkot siya dahil hindi niya kami nakikita."
PHOTO/S: @isabelrivasfarmgirl Instagram / PEP.ph File

Dalawang dating mga aktor na magkapangalan ang nakakulong sa kasalukuyan sa national penitentiary, ang New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ito ay ang dating aktor na si Dennis Da Silva, 48, at dating aktor-kongresista na si Dennis Roldan, 64.

Parehong reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo ang parusa ng hukuman sa dalawa.

Si Da Silva ay hinatulang guilty para sa kasong rape at child abuse sa anak ng kanyang ex-live in partner.

Nangyari ang napag-alamang mga insidente ng pang-aabuso ni Da Silva noong 2001.

Si Roldan ay nahatulang guilty dahil sa kidnapping case sangkot ang isang Filipino-Chinese boy noong 2005.

SITUATION OF DENNIS DA SILVA

Ang misis ni Dennis Da Silva na si Tina King Da Silva ang nagsabi kahapon, April 6, sa Cabinet Files na "ibiniyahe" o dinala ang kanyang asawa sa New Bilibid Prison noong February 2021.

Mahigit isang taon na raw hindi nagkikita ang mag-asawa buhat nang ipatupad ang enforced quarantine sa Luzon noong March 15, 2020 dahil sa coronavirus pandemic.

Continue reading below ↓

Dahil hindi na niya nadadalaw o nakakausap si Dennis Da Silva, hindi masabi ni Tina kung nagkita na ang kanyang asawa at si Dennis Roldan sa national penitentiary.

Pero nabanggit ni Tina na nagpang-abot at magkasama noon na nakulong sa Pasig City Jail ang dalawa, kaya sabay sila na naging madasalin at malapit sa Panginoong Diyos.

Matindi ang pangungulila na nararamdaman ng pamilya ng mga bilanggo dahil mula nang magkaroon ng pandemya, mahigpit na ipinagbawal ang pagbisita sa mga piitan.

Ang mainit na panahon na epekto ng dry season sa Pilipinas at ang coronavirus pandemic ang ilan lamang sa ipinag-aalala ng mga kamag-anak ng mga preso.

Lalo pa't hindi kaila ang hirap ng living conditions ng mga bilanggo.

SITUATION OF DENNIS ROLDAN

Sa kaso ni Dennis Roldan, kinumusta namin ang nakababatang kapatid nito na si Isabel Rivas.

"Ang hirap," pag-amin ni Isabel.

Ramdam sa kanyang sagot ang bigat ng kalooban sa tuwing napag-uusapan ang kapatid na nahatulan ng life imprisonment noong August 26, 2014.

Continue reading below ↓

"Napakahirap sa kalooban na ganyan ang sitwasyon niya, pero umaasa kami sa milagro ng Panginoon.

"Hindi naman siya pumatay kaya alam ko may darating na magandang bukas para sa kanya," dugtong ni Isabel.

Ipinagtapat ni Isabel na may sakit sa kasalukuyan si Dennis Roldan at ito ang nagpapaiyak sa kanya dahil sa sobrang pag-aalala sa pinakamamahal niya na kapatid.

Si Dennis Roldan ay malaking instrumento kaya nakapasok si Isabel sa showbiz noong 1979.

"He is sick now, but hopefully maging okey na siya soon. Lungkot na lungkot siya dahil hindi niya kami nakikita.

"Dugung-dugo ang mga puso namin at umiiyak ako lalo ngayon dahil may nararamdaman siya."

Kinumpirma ni Isabel ang pahayag ng asawa ni Dennis Da Silva na bawal ang dalaw sa mga bilanggo sa New Bilibid Prison dahil sa pandemya kaya mahigit isang taon na rin na hindi nila nabibisita at nakikita si Dennis Roldan.

"Yes, one year na namin siya na hindi nakikita. Masakit pero dasal lang ang ginagawa namin."

Continue reading below ↓

Mitchel ang tunay na pangalan ni Dennis Roldan.

May kurot sa puso na sabi pa ni Isabel, "Si Mitchel ang nagpapastor doon kaya may saya siya sa puso niya, pero tao lang na lungkot na lungkot dahil sa amin.

"Miss na miss ko nang yakapin ang kapatid ko."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isabel Rivas, may update sa kalagayan ng kapatid na si Dennis Roldan: "He is sick now, but hopefully maging okey na siya soon. Lungkot na lungkot siya dahil hindi niya kami nakikita."
PHOTO/S: @isabelrivasfarmgirl Instagram / PEP.ph File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results