AJ Raval, binura ang topless photo sa Instagram dahil nagalit ang ama na si Jeric Raval

by Jojo Gabinete
Apr 8, 2021
AJ Raval, hindi nagpaawat sa paggawa ng "all-the-way scene" sa pelikula nila ni Diego Loyzaga (not in photo). Ito ay sa kabila ng pagtutol ng ama ni AJ na si Jeric Raval (wearing a cap) sa pagnanais ng aktres na bumida sa sexy films.
PHOTO/S: @ajravsss Instagram

Ang mystery love story na Death of a Girlfriend ang second movie project ni AJ Raval sa Viva Films.

Ito ang kanyang pinakamapangahas na pelikula dahil ayon sa direktor na si Yam Laranas, may "all-the-way scene" ang 26-year-old sexy star at ang leading man niya na si Diego Loyzaga.

Hindi nagdalawang-isip si AJ na gawin ang mapupusok na eksena dahil sa pag-aalaga at proteksyon ni Yam sa kanila ni Diego.

Kinuha ni Yam ang serbisyo ng isang intimacy coordinator na nagsanay kina AJ at Diego bilang paghahanda sa love scenes ng dalawa sa Death of A Girlfriend.

Wala raw malisya nang kunan ang eksena na importante sa kuwento ng pelikula.

Ang Pornstar ang unang movie project ni AJ sa home studio nito, pero hindi sinuportahan ng kanyang ama na si Jeric Raval ang pagpapaseksi niya.

DELETED TOPLESS PHOTO ON IG

Sinabi ni AJ sa Thursday afternoon virtual presscon ng Death of a Girlfriend na hinahayaan na siya ni Jeric, pero hindi pa nito tanggap ang mga sexy photo niya sa kanyang Instagram account.

Continue reading below ↓

"Sa totoo lang po, hindi sila naging supportive noong una. Pero ngayon naman po, hinahayaan na po nila ako," ani AJ.

Nagkuwento rin ang dalaga tungkol sa deleted topless photo niya sa kanyang social media account.

"Nagalit po siya kaya ngayon deleted na yung post ko. Ipinaalis po.

"Nagalit po siya kasi pinag-usapan na namin na magpapaseksi po kung work lang po, kapag kailangan."

Mahigpit na tatay ang description ni AJ kay Jeric dahil tinatakot umano nito noon ang kanyang mga dating nakarelasyon.

"Mahigpit, may pananakot," paglalarawan ni AJ sa pagiging strikto ng ama na si Jeric.

Pero hindi inilihim ni AJ na may boyfriend siya sa kasalukuyan na malapit sa kanyang ama at sa pamilya nila.

"Pero ngayon, mabait naman yung boyfriend ko, close sa family so okey naman kami ngayon. Okey na sa kanya," saad ng aktres.

Ano ang payo sa kanya ng ama tungkol sa pakikipagrelasyon?

Sagot ni AJ, "Sinasabi niya lang lagi sa akin, dapat piliin ko yung responsible, may pangarap, kahit hindi kaguwapuhan, basta may pangarap."

Continue reading below ↓

REMAKE OF SCORPIO NIGHTS

Ibinalita rin ni AJ na ang remake ng daring movie na Scorpio Nights ang isa sa mga proyekto niya na nakalinya sa Viva Films.

Pero hindi na siya nagbigay ng ibang detalye kaya hindi malinaw kung alin ang kanyang gagawin—ang Scorpio Nights na pinagbidahan ni Anna Marie Gutierrez noong 1985 o ang Scorpio Nights 2, ang 1999 launching movie ni Joyce Jimenez dahil magkaibang-magkaiba ang kuwento ng mga naturang pelikula.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval, hindi nagpaawat sa paggawa ng "all-the-way scene" sa pelikula nila ni Diego Loyzaga (not in photo). Ito ay sa kabila ng pagtutol ng ama ni AJ na si Jeric Raval (wearing a cap) sa pagnanais ng aktres na bumida sa sexy films.
PHOTO/S: @ajravsss Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results