Diego Loyzaga, ibinahagi kung bakit head over heels in love kay Barbie Imperial

by Jojo Gabinete
Apr 8, 2021
Diego Loyzaga, naniniwalang swak na swak sila ni Barbie Imperial bilang magkasintahan: "Para sa akin kasi, yung love or being in a relationship, it’s a never ending compromise. You’re two individuals who want to be a team or an item or parang a unit—isa kayo."
PHOTO/S: @msbarbieimperial Instagram

Hindi kasali si Barbie Imperial sa cast ng Death of a Girlfriend pero napag-usapan siya dahil sa relasyon nila ni Diego Loyzaga.

Si Diego ang leading man ni AJ Raval sa mystery love story movie na mapapanood simula sa April 30 sa VivaMax streaming site.

Ang sikreto ng maayos na relasyon nina Diego at Barbie ang isa sa mga itinanong kay Diego.

"I don’t think there’s a secret po," tugon agad ni Diego.

Naniniwala siyang constant effort daw ang kailangan sa isang magkasintahan.

"Para sa akin kasi, yung love or being in a relationship, it’s a never ending compromise.

"You’re two individuals who want to be a team or an item or parang a unit—isa kayo. “

"So siyempre meron kayong mga differences. Meron kayong mga hindi pagkakasunduan.

"Pero marami rin kayong mga likes sa isa’t-isa so there’s no secret to it.

'It’s work. It’s like any relationship naman, even friendships ganoon din."

Continue reading below ↓

MARRIAGE AS THEIR END-GOAL

Ilang buwan palang magkasintahan ang dalawa, pero siniguro ni Diego na seryoso ang intention niya kay Barbie.

"But iba yung relationship kasi yung pupuntahan niyo eventually is marriage, have a family, have kids.

"So ganoon ko siya tinitingnan with Barbie, and ganoon din naman niya tinitingnan with me.

"We understand each other. And not every day is a good day—just like any other relationship—and we understand each other even more on bad days.

"So it’s not a secret but it’s easier said than done."

WHAT DIEGO LOVES MOST ABOUT BARBIE

Nang mapag-usapan ang special qualities ni Barbie, inilarawan ni Diego na gusto raw niya ang pagiging maalaga at malambing ng dalaga.

"Si Barbie can be the most maternal person in the sense na para siyang nanay kung mag-alaga.

"But at the same time, para naman siyang baby. Yun naman yung gustung-gusto ko kasi baby ko siya.

Continue reading below ↓

"Gusto ko rin naman na ako yung nag-aalaga. I like how she can bring out the best in me and take care of me at the same time.

"Kapag siya naman, kapag kailangan niya ng alaga, hinihingi naman niya sa akin. And for me, big deal ‘yon."

Ipagdiriwang ni Diego ang kanyang 26th birthday sa May 21 at ito ang unang kaarawan niya na magkarelasyon sila ni Barbie.

Pero para sa taumbayan ang kanyang birthday wish—ang matapos na ang coronavirus pandemic.

"Sana matapos na itong COVID. Yun lang talaga, sana matapos na ang COVID.

"Ang dami nang nahihirapan, ang daming gustong makasama yung pamilya nila, mga kaibigan.

"Ang hirap. Hindi nga tayo makapag-shooting. Hindi tayo makakilos. Gusto natin magtrabaho.

"The whole world is affected and sana mabawasan na yung hirap ng mundo."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga, naniniwalang swak na swak sila ni Barbie Imperial bilang magkasintahan: "Para sa akin kasi, yung love or being in a relationship, it’s a never ending compromise. You’re two individuals who want to be a team or an item or parang a unit—isa kayo."
PHOTO/S: @msbarbieimperial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results