Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, nagtayo ng sariling production company

by Jojo Gabinete
Apr 8, 2021
Mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, co-producers ng Tala, The Film Concert, na magkakaroon ng repeat sa May 1, Sabado, 8 p.m. (Philippine Time) at kinabukasan, May 2, Linggo, 11 a.m. (Philippine Time).
PHOTO/S: @matteog Instagram

Kung matalas ang mata ng mga nanood ng Tala, The Film Concert ni Sarah Geronimo sa streaming site na ktx.ph noong March 27, tiyak na napansin nila sa opening credits na ang Viva Live at ang G Productions ang mga producer ng show.

Si Sarah at ang kanyang asawa na si Matteo Guidicelli ang mga may-ari ng G Productions.

Gamit nila ang initial na "G" mula sa Guidicelli at Geronimo.

Ang Tala, The Film Concert ang unang project ng kanilang bagong tatag na production company.

Bilang concert producer, hands on si Sarah sa pag-aasikaso hanggang sa pinakamaliit na detalye kaya saludo sa kanya ang Tala director na si Paul Basinillo.

Mabilis na nag-trending noong March 27 sa Twitter Philippines ang favorable reviews tungkol sa Tala, The Film Concert.

Pinag-usapan ang duet nina Sarah at Matteo, ang buwis-buhay na "Ikot-Ikot" production number, at ang madamdamin na pag-awit ng singer-actress sa "Isa Pang Araw."

Continue reading below ↓

Unforgettable rin ang performance niya ng theme song ng 2018 movie niya na Miss Granny at ang endearing tribute sa kanyang mga magulang na sina Delfin at Divine.

Masuwerte ang Guidicelli couple sa first business venture nila dahil highly successful ang Tala, The Film Concert.

Magkakaroon ito ng global repeat sa May 1, Sabado, 8 p.m. (Philippine Time) at kinabukasan, May 2, Linggo, 11 a.m. (Philippine Time).

Mapapanood ang Tala, The Film Concert sa mas mura na ticket price P1,000) sa ktx.ph, iWantTV at iWantTFC samantalang sa May 14 ang premiere sa VivaMax ng in demand concert ni Sarah.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, co-producers ng Tala, The Film Concert, na magkakaroon ng repeat sa May 1, Sabado, 8 p.m. (Philippine Time) at kinabukasan, May 2, Linggo, 11 a.m. (Philippine Time).
PHOTO/S: @matteog Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results