Jerome Ponce, Teejay Marquez kinumpirma na may Season 3 ang Ben X Jim

by Jojo Gabinete
Apr 9, 2021
Jerome Ponce at Teejay Marquez, parang pamilya na raw ang turing sa isa't isa matapos magkatrabaho sa B X J Forever, o Season 2 ng Ben X Jim.
PHOTO/S: @easyferrer Instagram

Ngayong Biyernes, April 9, ang Season 2 finale ng Ben X Jim Forever.

Pero walang dapat ikalungkot ang fans ng popular Boys Love series na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez dahil magkakaroon ito ng Season 3.

Si Jerome ay 26 taong gulang, habang si Teejay ay may edad na 27.

Sa exclusive interview ng Cabinet Files, parehong kinumpirma nina Jerome at Teejay ang pagbabalik ng Ben X Jim.

Sinabi ni Jerome na isinusulat na ng Ben X Jim writer and director na si Easy Ferrer ang kuwento ng Season 3.

Ayon naman kay Teejay, excited na sila para sa shooting ng kanilang project.

Nagpapasalamat sina Jerome at Teejay sa lahat ng mga sumusuporta sa kanilang online series dahil nananatili ito na number one sa mga title na napapanood sa UPSTREAM.ph.

Dating napapanood ang Ben X Jim sa YouTube Channel ng Regal Entertainment Inc., at eksklusibo na ito ngayon sa UPSTREAM.ph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Teejay: "Nakaka-overwhelm yung feeling na kahit lumipat na po kami ng platform, sinundan pa rin kami ng supporters kaya ramdam namin ung pagmamahal nila sa amin.

"I think yung reason why people love our series is because nakaka-relate sila sa bawat story ng characters and feel good po ‘yung story."

Naniniwala naman si Jerome na ang ipinakita nila ni Teejay na sincerity sa pagganap sa mga karakter nina Ben at Jim ang isang dahilan kaya napamahal sa manonood ang Ben X Jim.

Pahayag ni Jerome: "Salamat po sa lahat ng tumangkilik, nakakatuwa na kami pala ang Number 1 sa UPSTREAM.ph.

"Siguro po, sinuportahan ng mga tao ang Ben X Jim dahil nagpakita sina Ben at Jim ng sincerity.

"Sumasalamin ang characters namin sa totoong buhay ng tao, sa mga pinagdadaanan nila sa buhay at love life, lahat nasa realidad.

"Nakakatuwa na nagustuhan nila dahil pinaghirapan ito naming lahat at ni Direk Easy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JUST LIKE FAMILY ON THE SET

Ang professionalism at pagiging mabait ni Teejay ang mga ugali nito na natuklasan ni Jerome sa shooting nila noon.

Kaya ayon kay Jerome, gugustuhin ng lahat na makatrabaho si Teejay na kanyang love interest sa Ben X Jim Forever.

Hanga naman si Teejay sa tangkad ni Jerome na 5'11, at napasabi pa na "sana all Jerome" dahil hindi siya matangkad.

Nabuo ang malalim na pagkakaibigan nina Jerome at Teejay sa set ng Ben X Jim.

At kahit magwawakas na ang Season 2 ng kanilang programa, magkapamilya na ang ang turing nila sa isa’t-isa pati na rin ibang cast members at production crew.

LOOKING FORWARD TO SEASON 3

Dahil sa kanilang mga itinuturing na pambihirang karanasan, muling ipinararating nina Teejay at Jerome ang lubos na pasasalamat sa lahat ng tumangkilik sa Ben X Jim.

Sabi ni Teejay: "Paulit-ulit po kaming magpapasalamat sa mga tao na sumuporta sa amin from beginning ng Season 1 hanggang ngayon sa finale episode ng Ben X Jim Forever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ramdam na ramdam pa rin namin ang init ng suporta at sobrang solid ninyong lahat.

"Maraming maraming salamat po sa pagmamahal ninyo sa amin."

Inspirado naman si Jerome para sa susunod na season ng Ben X Jim.

"Nagpapasalamat kaming lahat sa mga sumusuporta sa Ben X Jim simula noong Season 1.

"Kayo po ang dahilan kaya nakakagawa kami ng magagandang stories.

"Gusto po naming mapasaya kayo ngayong panahon na marami tayong pinagdaraanan sa buhay.

"Sana nabigyan namin kayo ng hope in this time of crisis.

"Maraming salamat sa mga nagtitiwala po sa aming kakayahan at talento.

"Patuloy po namin gagalingan at gagawa pa po kami ng mga kuwento para sa lahat ng Pilipino."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerome Ponce at Teejay Marquez, parang pamilya na raw ang turing sa isa't isa matapos magkatrabaho sa B X J Forever, o Season 2 ng Ben X Jim.
PHOTO/S: @easyferrer Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results