DID YOU KNOW: Ellen Adarna, Derek Ramsay first met in 2017?

by Jojo Gabinete
Apr 9, 2021
It seems Derek Ramsay and Ellen Adarna are meant to be. It was only a matter of time. They were supposed to be paired together in the 2017 movie, The Escort, but it didn't happen. Just a thought.
PHOTO/S: Ocs Alvarez, PEP.ph; @maria.elena.adarna on Instagram

"Undeniable" ang chemistry ni Derek Ramsay at ng kanyang fiancée na si Ellen Adarna sa unang araw pa lang ng kanilang pagtatagpo.

Ito ang sinabi ng aktor sa kanyang Instagram post noong March 31, 2021:

Aniya, "Since the day we first met @maria.elena.adarna the chemistry between us has been undeniable, its so strong that i have to catch my breath at times. I've always said that love is intangible, something you can't see or touch...but now I believe otherwise.”

Marami ang kinilig, lalo na ang mga hopeless romantic, sa pagiging romantiko ni Derek, at sa matatamis na salitang pinakawalan niya para kay Ellen.

Hindi na binanggit ni Derek ang araw o petsa ng unang pagkikita nila ni Ellen, pero may trivia tungkol sa kanilang dalawa.

Alam niyo ba na muntik na silang nagkasama sa isang movie project noong 2016?

Si Ellen ang original choice bilang lead actress ng The Escort, ang sexy-drama movie ng Regal Entertainment Inc. na ipinalabas sa mga sinehan noong November 2, 2016 at napapanood ngayon sa Netflix.

Continue reading below ↓

Nagkita na noon sina Ellen at Derek sa look test para sa The Escort, pero hindi natuloy ang pagtatambal nila sa pelikula.

Nang uumpisahan na ang shooting ng The Escort, dalawang beses na hindi pumuwede si Ellen dahil sa personal na dahilan kaya nagpasya ang Regal Entertainment Inc. na alisin siya sa cast.

Si Lovi Poe ang ipinalit kay Ellen bilang lead actress ng hit movie noon ng Regal Entertainment Inc.

Kung natuloy ang team-up nina Ellen at Derek sa The Escort, posibleng iba ang naging takbo ng kapalaran nila.

Maaaring hindi nagkalapit sina Ellen at John Lloyd Cruz at baka hindi sila nagkaroon ng anak. Matatandaang 2017 nagsimula ang sighting sa ex-couple.

Pero iba ang plano ng tadhana para kina Ellen at Derek dahil lumipas muna ang limang taon bago sila muling nagkita at nagkaroon ng relasyon sa loob lamang ng maiksing panahon na humantong sa wedding proposal.

Nang gawin ni Derek ang The Escort, si Joanne Villablanca ang kanyang girlfriend, pero naghiwalay sila noong 2019, hanggang magkasama sila ni Andrea Torres sa The Better Woman.

Continue reading below ↓

Marami ang nag-akala na si Andrea na ang babae na pakakasalan ni Derek na hindi nangyari dahil iba nga ang iginuhit ng tadhana para sa kanila ni Ellen.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It seems Derek Ramsay and Ellen Adarna are meant to be. It was only a matter of time. They were supposed to be paired together in the 2017 movie, The Escort, but it didn't happen. Just a thought.
PHOTO/S: Ocs Alvarez, PEP.ph; @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results