Jhong Hilario, hindi muna mapapanood sa It's Showtime pag bumalik ito sa ere

by Jojo Gabinete
Apr 10, 2021
Malaki ang posibilidad na hindi muna mapapanood sa It's Showtime si Jhong Hilario (kanan) kapag nag-resume na ang live airing nito dahil nais muna niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang asawa at bagong silang na anak na si Sarina (kaliwa).
PHOTO/S: @jhonghilario on Instagram

Hindi pa masabi ng mga host at production staff ng It’s Showtime ang exact date ng pagbabalik ng kanilang live show.

Apektado ang Kapamilya nooontime show dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinatutupad muli sa National Capital Region at sa mga lalawigan ng Laguna, Cavite, Bulacan, at Rizal.

Bago pa muling idineklara ang ECQ, nauna nang sinuspinde ng ABS-CBN ang live staging ng It’s Showtime para sa kapakanan ng mga host at production team dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Isang It’s Showime insider ang nagsabing babalik agad ang kanilang live show kapag isinailalim na ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ). Kaya tulad ng sambayanang Pilipino, nakaabang sila sa announcement ng Malacañang Palace.

Si Jhong Hilario ang isa sa mga main host ng It’s Showtime, at malaki ang posibilidad na hindi muna siya mapanood sa noontime show ng ABS-CBN kapag nag-resume ang live telecast nito.

Continue reading below ↓

Ito dahil ang kanyang asawa at anak ang top priority niya. Ang kapakanan at kalusugan ng kanyang pamilya, lalo na ang bagong silang na anak niyang si Sarina, ang dahilan kaya pansamantalang mawawala si Jhong sa It’s Showtime.

Kasama rin si Jhong sa mga celebrity contestant ng Season 3 ng Your Face Sounds Familiar, ang singing and impersonation competition show ng ABS-CBN na nagsimula noong February 20, 2021.

Walong linggo pa ang itatagal sa telebisyon ng Your Face Sounds Familiar pero nabawasan na ang contestants ng programa.

Reportedly, nagpaalam na rin si Jhong sa naturang show bilang pag-iingat sa kanyang mga mahal sa buhay. Pero walang magbabago sa paglilingkod niya bilang konsehal ng 1st District ng Makati City.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaki ang posibilidad na hindi muna mapapanood sa It's Showtime si Jhong Hilario (kanan) kapag nag-resume na ang live airing nito dahil nais muna niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang asawa at bagong silang na anak na si Sarina (kaliwa).
PHOTO/S: @jhonghilario on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results