Cebu, nabanggit sa latest episode ng K-drama series na Vincenzo

by Jojo Gabinete
Apr 11, 2021
Isa sa kinagigiliwang panoorin ngayon ng mga Pinoy sa Netflix ay ang K-drama series na Vincenzo, na pinagbibidahan ng Korean superstar na si Song Joong-ki.

Libu-libong mga Pilipino ang tumatangkilik sa Korean movies at drama series kaya hindi ito nawawala sa Top 10 list ng Netflix Philippines.

Ang panonood sa Netflix ng Crash Landing On You, na pinagbibidahan nina Hyun Bin at Son Ye-jin, ang Korean series na kinahumalingan nang husto ng maraming Pilipino nang dumating sa ating bansa ang coronavirus pandemic noong 2020.

Ngayong 2021, ang Vincenzo, ang dark-comedy series na tinatampukan ng Korean superstar na si Song Joong-ki, ang nagpapasaya sa K-drama Filipino fans sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Mula nang ipalabas sa Netflix ang Vincenzo noong February 20, 2021, hindi na ito nabura sa listahan ng Netflix Philippines tungkol sa sampung mga pelikula at TV series na pinanonood ng ating mga kababayan.

Madalas ding mag-trending sa Twitter Philippines ang Vincenzo, at muli itong nangyari kagabi, April 10.

Ito ay dahil kinagiliwan ng Philippine viewers ang isang eksena sa Episode 15, ang pag-uusap ng mga karakter nina Park Seo-do (Kim Young-woong) at Jung Do-hee (Lee Hye-jung), ang direktor ng Ragusang Gallery.

Continue reading below ↓

Para makaiwas sa gulo, gusto nang umalis ni Jung Do-hee mula sa South Korea at pumunta sa Taiwan. Pero ang Cebu ang lugar na inirekomenda sa kanya ni Park Seo-do.

Vicenzo scene mentioning Cebu

Naaliw ang mga Pilipino sa pagbanggit ng karakter ni Kim Young-woong sa Cebu dahil malaking isyu para sa kanilang mabanggit sa eksena ng isang international TV series ang kilalang lugar sa ating bansa.

Continue reading below ↓

Maaaring kababawan para sa ibang mga Pilipino ang simpleng pagbanggit sa Cebu sa Episode 15 ng Vincenzo, pero malaki ang kaligayahang idinudulot nito sa ating mga kababayang naghahanap ng panandaliang aliw para saglit matakasan ang stress na ibinibigay sa lahat ng kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa dahil sa coronavirus pandemic.

Popular sa mga Korean ang Cebu dahil ito at ang Boracay island ang popular destinations sa Pilipinas na kanilang binibisita para magbakasyon.

Ironically, tulad ng Episode 15 ng Vincenzo, nag-trending din sa Twitter Philippines noong January 2017 ang Episode 15 ng Legend of the Blue Sea, ang South Korean drama fantasy series na pinagbidahan nina Lee Min-ho at Jun Ji-hyun dahil nabanggit sa isang eksena ang Boracay.

Sa pag-uusap nina Se-hwa (Jun Ji-hyun) at Joon-jae (Lee Min-ho), nagtanong ito kung gusto ng unang magpunta sa East Sea o pwede siyang bumili ng plane ticket para sa ibang lugar, gaya ng Boracay.

Continue reading below ↓

Legend of the Blue Sea scene mentioned Boracay

Ikinatuwa noon ng Pinoy fans ng mga K-drama ang pagbanggit sa Boracay ng karakter ni Lee Min-ho sa Legend of the Blue Sea.

At sa tunay na buhay, minsan nang nagbakasyon sa nabanggit na isla ang famous Korean actor.

Malaking bagay na nababanggit sa international movies at drama series ang mga magagandang lugar at tourist attraction sa Pilipinas dahil makakatulong ito sa ating tourism industry, lalo na sa ngayong matindi ang epekto ng COVID-19 pandemic sa ating ekonomiya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa sa kinagigiliwang panoorin ngayon ng mga Pinoy sa Netflix ay ang K-drama series na Vincenzo, na pinagbibidahan ng Korean superstar na si Song Joong-ki.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results