I Can See You episode nina Dennis, Jennylyn, at Rhian ipalalabas ulit sa GMA-7 kahit nasa Netflix na

by Jojo Gabinete
Apr 11, 2021
Simula bukas, April 12, muling ipalalabas sa GMA-7 ang "Truly. Madly. Deadly," ang I Can See You episode na pinagbidahan nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Rhian Ramos.
PHOTO/S: GMA Network

Muling ibabalik ng GMA-7 ang "Truly. Madly. Deadly," ang fourth episode ng Season 1 ng I Can See You na pinagbidahan nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Rhian Ramos.

Mapapanood ang "Truly. Madly. Deadly" simula bukas, April 12, hanggang April 16.

Ito ang pinili ng GMA Network management na ibalik dahil ang Dennis-Jennylyn-Rhian episode ang pangalawang trending sa Netflix Philippines.

"Nasa Netflix na ang Season 1 ng I Can See You. Among all Season 1 story series, ang 'Truly. Madly. Deadly' ang Number 2 trending sa Netflix Philippines.

"Maganda ang pagkakasulat ng story at maganda ang visuals ng 'Truly. Madly. Deadly' dahil binusisi ng production team ang lahat hanggang sa smallest details, and to think this was done during the pandemic and with all the restrictions,” paliwanag ni Anthony Pastorpide, ang production manager ng I Can See You.

Idinagdag ni Pastorpide na world-class caliber ang episode na nagtampok kina Dennis, Jennylyn, at Rhian kaya nararapat lamang daw na muli itong mapanood sa free television.

Continue reading below ↓

Unang ipinalabas ng GMA-7 ang "Truly. Madly. Deadly" episode noong October 19, 2020 hanggang October 23, 2020.

Nagsimula naman ang Netflix streaming ng Season 1 ng I Can See You noong March 28, 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula bukas, April 12, muling ipalalabas sa GMA-7 ang "Truly. Madly. Deadly," ang I Can See You episode na pinagbidahan nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Rhian Ramos.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results