Metro Manila, Laguna, Rizal, Bulacan, Cavite balik-MECQ simula April 12

by Jojo Gabinete
Apr 11, 2021
Manila City Health workers received their 2nd dose of Sinovac COVID-19 vaccine at the Sta. Ana Hospital on Tuesday, April 6, 2021.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Ngayong Linggo, April 11, ang huling araw ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Bulacan, at Cavite.

Simula bukas, April 12, hanggang April 30, 2021 ay sasailalim ang mga nabanggit na lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ang bagong quarantine classification na rekomendasyon ng Inter-Agency Taskforce on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang inahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang virtual presser ngayong hapon.

“Inaprubahan po ngayong araw ng ating Presidente ang rekomendasyon ng inyong IATF na ilagay ang mga lugar na ito sa corresponding na community quarantine.

“Under Modified Enhanced Community Quarantine, ang Metro Manila, kasama po ang Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite.

"Under MECQ din po ang City of Santiago, Quirino, at ang Abra.

“Mapapasailalim naman po sa General Community Quarantine ang CAR [Cordillera Administrative Region], ang Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya.

"Sa Region IV-A, ang probinsya ng Batangas, sa Region 8, Tacloban City, sa Region 10, Iligan City, sa Region 11, ang Davao City, sa ARMM [Autonomous Region in Muslim Mindanao], Davao del Sur, at ang Quezon mula April 12 to 30.

Continue reading below ↓

“Ang lahat po ng parte ng Pilipinas na hindi nabanggit ay maipapasailalim po sa MGCQ,” pahayag ni Roque tungkol sa bagong quarantine classification sa National Capital Region at sa ibang bahagi ng Pilipinas.

Summary of Classifications for April 2021

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila City Health workers received their 2nd dose of Sinovac COVID-19 vaccine at the Sta. Ana Hospital on Tuesday, April 6, 2021.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results