Watch Now

Noontime shows, pwede na bang mag-live ngayong MECQ?

by Jojo Gabinete
Apr 12, 2021
Philippine noontime variety shows (clockwise): It's Showtime of ABS-CBN, Happy Time of Net 25, Lunch Out Loud of TV5, and Eat Bulaga! of GMA-7.
PHOTO/S: Facebook

Pare-parehong naghihintay ang mga host at production staff ng Eat Bulaga! ng GMA-7, It’s Showtime ng ABS-CBN, at Lunch Out Loud ng TV5 ng abiso mula sa management tungkol sa pagbabalik sa studio ng kanilang mga noontime shows.

Mga replay episode ng mga nabanggit na programa ang napapanood mula nang muling ideklara ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, at Rizal noong March 29.

Winakasan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang quarantine classification na ECQ kahapon, April 11.

Pinalitan ito ng Moderate Enhanced Community Quarantine (MECQ) na nagsimula ngayong Lunes, April 12, at ipatutupad hanggang April 30, 2021.

Fresh pero pre-recorded ang episode ngayon ng It’s Showtime dahil nakapag-taping pa ang mga host at ang production staff ng reserved episodes bago nagdeklara ng ECQ ang Duterte government noong March 29, 2021.

Pinag-aaralan ng ABS-CBN management kung pwede nang mag-live show ang It’s Showtime sa linggong ito, pero kailangang sumailalim muna sa swab test ang lahat ng kasali sa programa para makatiyak na negatibo sila sa COVID-19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama sa plano ang mga malaking pagbabago sa It’s Showtime para matiyak na ligtas ang kalusugan ng lahat.

Mga replay episode din ng Eat Bulaga! at Lunch Out Loud ang napapanood buhat nang sumailalim sa ECQ ang National Capital Region.

Naghihintay rin ng go-signal ang mga host at production staff ng mga naturang programa para sa kanilang live show at taping ng mga noontime show nila.

Sa lahat ng mga noontime variety show, tanging ang Happy Time ng Net25 ang live, pero virtual na napapanood dahil work from home ang mga host na sina Anjo Yllana, Dingdong Avanzado, at ang kanilang mga kasama.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Philippine noontime variety shows (clockwise): It's Showtime of ABS-CBN, Happy Time of Net 25, Lunch Out Loud of TV5, and Eat Bulaga! of GMA-7.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results