AJ Raval at Sean de Guzman, magtatambal sa Taya

by Jojo Gabinete
Apr 13, 2021
Newcomers AJ Raval and Sean de Guzman will ba paired in the upcoming Viva Films movie Taya.
PHOTO/S: @ajraval on Instagram / @seandeguzman on Instagram

Undoubtedly, si AJ Raval ang next important star ng Viva Films.

Hindi pa man naipalalabas ang Death of A Girlfriend, may bagong pelikula na siyang gagawin.

Ito ay ang Taya, na pagbibidahan nila ng Anak ng Macho Dancer star na si Sean de Guzman.

Introducing si AJ sa Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar na napapanood pa rin hanggang ngayon sa VivaMax.

Naging ganap siyang bida sa Death of A Girlfriend, ang pelikula nila ni Diego Loyzaga na ipalalabas din sa nasabing streaming site sa April 30.

Maipagmamalaki naman ni Sean ang acting-piece role niya sa Taya na higit na mapanghamon kesa sa kanyang karakter sa Anak ng Macho Dancer.

Mag-uumpisa sa susunod na buwan ang lock-in shooting ng Taya.

Mula ito sa direksiyon ni Roman Perez Jr., ang direktor ng controversial movie na Adan at ng upcoming movie na The Housemaid, ang boldest movie to date ni Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Continue reading below ↓

Taya

Halaw sa mga tunay na pangyayari ang kuwento ng Taya na isang psycho-erotic thriller.

Concept ni Roman ang plot ng Taya, at ang 2018 Cinemalaya Independent Film Festival Best Screenplay winner na si John Carlo Pacala ang sumulat ng screenplay.

Ang Taya ay nanggaling sa college thesis na isang research document na naging stage play sa Cultural Center of the Philippines. May original title itong Pataya Patihaya.

May kinalaman sa drugs at krimen ang kuwento ng Taya, pero mas matitindi umano ang mapapangahas na eksena nito kumpara sa Adan at The Housemaid.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newcomers AJ Raval and Sean de Guzman will ba paired in the upcoming Viva Films movie Taya.
PHOTO/S: @ajraval on Instagram / @seandeguzman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results