Alma Concepcion, nag-research muna bago nagpabakuna ng Sinovac COVID vaccine

by Jojo Gabinete
Apr 14, 2021
alma concepcion covid vaccine
Alma Concepcion on COVID-19 vaccination: “Kapag may bakuna ka na, kung dapuan ka man ng COVID-19, mas mild na ang pasok sa katawan natin.” (Right photo) Alma's son, Cobie Puno, was able to get vaccinated in the United States.
PHOTO/S: Courtesy of Alma Concepcion

Naturukan na ng COVID-19 vaccine ang beauty queen-turned-actress na si Alma Concepcion. Nangyari ang pagpapabakuna niya noong April 4, 2021.

Bago siya nagpabakuna, nag-research muna si Alma tungkol sa gamot (Sinovac) na ituturok sa kanya dahil nag-alala siyang baka magkaroon ito ng side effects sa pagiging epileptic niya noon.

“Dalawa lang po ang pagpipilian ngayon—ang epekto ng bakuna o ang buong epekto ng COVID-19.

“Pinag- aralan ko nang mabusisi bago ako nagpabakuna dahil takot din akong magkaroon ng epekto sa dati kong sakit.

“Napag alaman ko na ang proseso sa katawan ng Sinovac ay pagpasok ng tradisyonal na pamamaraan na ang 'weakened/dead covid cells' na ipinapasok sa ating katawan ay dumadaan sa ating MRNA cells na papasok sa ating T- cells at magbubuo ng protina na gagawa ng mga 'anti bodies' na panlaban sa COVID-19,” pagbabahagi ni Alma tungkol sa mga natutunan niya sa kanyang research.

Patuloy niya, “Maaari pa ring matamaan ng COVID-19 at maaari pa ring magpasa ng virus pero ang tinatanggal ng bakuna ay yung matinding epekto ng COVID na pwedeng maging dahilan para maospital ka.

Continue reading below ↓

“Kapag may bakuna ka na, kung dapuan ka man ng COVID-19, mas mild na ang pasok sa katawan natin.”

Eksklusibong nakausap ng Cabinet Files si Alma, sa pamamagitan ng Facebook messaging, ngayong Miyerkules, April 14.

Hinihikayat ni Alma ang lahat na magpabakuna para sa ikapapanatag ng kalooban.

Hindi lamang si Alma ang naturukan ng COVID-19 vaccine dahil nabakunahan na rin sa Amerika ang kanyang 21-year-old son na si Cobie Puno, na outstanding student sa Fordham University, New York.

Kuwento ni Alma, “Si Cobie ay nabakunahan na ng Moderna kaya laking ginhawa sa akin. Malapit na siyang makatapos ng pag-aaral. Baka less than a year na lang.

"Pero mas gusto ko na doon muna siya habang nasa peak pa ng pandemya ang Pilipinas."

Mapalad si Alma sa pagkakaroon ng mapagmahal na anak na katulad ni Cobie, at mapapanood ito sa heartwarming video nila noong January 22, 2021.

Umiyak si Cobie nang ihatid siya ni Alma sa international airport dahil kailangan na niyang bumalik sa New York para sa kanyang pag-aaral.

Continue reading below ↓

Alma Concepcion with son Cobie

Napaluha ang mga nakapanood sa video dahil ramdam na ramdam nila ang sobrang pagmamahal ni Cobie kay Alma, na nagtataguyod sa kanya para magkaroon siya ng magandang kinabukasan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alma Concepcion on COVID-19 vaccination: “Kapag may bakuna ka na, kung dapuan ka man ng COVID-19, mas mild na ang pasok sa katawan natin.” (Right photo) Alma's son, Cobie Puno, was able to get vaccinated in the United States.
PHOTO/S: Courtesy of Alma Concepcion
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results