Willie Revillame, nabakunahan na ng first dose ng Sinovac

by Jojo Gabinete
Apr 14, 2021
willie revillame covid vaccination
Bilang senior citizen, naturukan na ng kanyang unang dose ng COVID-19 vaccine ang TV host na si Willie Revillame kahapon, April 13.
PHOTO/S: Screen grab from Tutok To Win

#BakunaNaNow #BakunaIsLife

Naturukan na si Willie Revillame, 60, ng COVID-19 vaccine.

Tinanggap niya ang kanyang unang jab kahapon, April 13, 2021.

Senior citizen na si Willie kaya qualified na siyang mabakunahan.

Sa live show ng Tutok to Win ng Wowowin ngayong Miyerkules, April 14, ipinagtapat niyang Sinovac ang itinurok sa kanya.

Pinasalamatan ni Willie ang staff ng Department of Health (DOH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nag-aasikaso sa mga kababayan nating kasabay niyang tinurukan ng COVID-19 vaccine.

Pahayag ng TV host, "Maraming-maraming salamat din sa mga doktor ng DOH, yung mga taga-MMDA na may dalang ambulansya.

"Kumpleto ho, hindi ka pala pwedeng basta-basta magpa-inject nang walang DOH dahil titingnan muna yung blood pressure mo.

"Dapat tama, hindi ka high blood, dahil kapag high blood o low blood ho kayo, hindi kayo mabibigyan ng vaccine."

Sabi pa ni Willie, "Importante yung Sinovac na ‘yan. After 28 days po, babalik ako para sa pangalawang vaccine.

Continue reading below ↓

“Sa May 11 po ‘yan. Sabi nila, may effect ng sinat o lagnat ‘yon kaya humanda kayo, baka lagnatin ako. Titingnan natin, kapag kaya ko."

Bukod sa pagkukuwento ng kanyang karanasan sa pagpapaturok, ipinaliwanag ni Willie ang kahalagahan ng COVID-19 vaccine.

On getting vaccinated

Hinikayat niya ang lahat na magpabakuna para may proteksiyon laban sa coronavirus pandemic.

“Importante ho ‘yang bakuna na ‘yan. Ang maganda ho diyan, medyo tuluy-tuloy naman ang pagpapabakuna ng ating gobyerno.

“Sa local governments ninyo, naka-schedule daw po ‘yan, lalung-lalo na ang priority po, yung mga senior, especially senior citizens, persons with comorbidities, at frontliners.

“Importante ‘yan para may panlaban sa COVID. Ako, meron nang 25 percent na proteksiyon against moderate and severe COVID at sa death.

“Kapag nakumpleto na ang bakuna sa May 11, another 14 days, magiging one hundred percent na po ang proteksiyon.

"Hindi ibig sabihin, hindi ka na tatablan, pero may panlaban na ang katawan mo. Yun ho ang sabi ng mga doktor nung in-explain sa akin.

Continue reading below ↓

"I think baka dumating ang panahon, kapag nag-abroad ka, kapag wala kang vaccine, hindi ka makakabiyahe. Hindi lang swab test, so humanda ho tayo.

"Huwag kayong mag-alala. I think gumagawa naman [ng paraan] ang ating gobyerno.

"Naku, dyuskpo, napakadami ho ng sinusuplayan sa buong mundo kaya huwag ho tayong magmadali."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang senior citizen, naturukan na ng kanyang unang dose ng COVID-19 vaccine ang TV host na si Willie Revillame kahapon, April 13.
PHOTO/S: Screen grab from Tutok To Win
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results