Vice Ganda aminadong natakot sa pagbabalik-live ng It's Showtime

by Jojo Gabinete
Apr 15, 2021
Vice Ganda on reporting for live airing of It's Showtime: "Kapag nilamon ako ng takot at hindi ako pumasok, e, di mawawalan din ng ganang pumasok yung iba? Sa pagkakataong ito, kahit natatakot ako, kailangan natin mag-lead, kailangan ng extra takot."
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel

Matagal hindi nagkaroon ng live show ang It’s Showtime ng ABS-CBN buhat nang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 noong nakaraang buwan.

Sa pagbabalik ng live show ng It’s Showtime ngayong Huwebes, April 15, mahigpit na ipinatupad sa mga host ang physical distancing dahil hindi lamang isang metro ang distansiya nila sa isa’t isa.

Limitado rin ang bilang ng mga tao sa loob ng studio.

It's Showtime live airing

Continue reading below ↓

Ikinuwento ni Vice Ganda ang pag-uusap nila ni Anne Curtis na nagtanong sa kanya kung hindi ba siya natatakot mag-report sa live show ng It’s Showtime.

Sabi ni Vice, “Natatakot! Super takot pero kailangan kong paglabanan yung takot ko. Mag-e-extra ingat na lang.

“Sabi ko, how can I let our family down? Kapag nilamon ako ng takot at hindi ako pumasok, e, di mawawalan din ng ganang pumasok yung iba?

“Sa pagkakataong ito, kahit natatakot ako, kailangan natin mag-lead, kailangan ng extra takot, ipagdasal mo kami, Anne, dahil papasok na kami bukas.

“Nakakatakot naman talaga, pero pag sama-sama tayo, mas nakakalakas ng loob natin kaya thank you.”

Masaya at excited si Vice dahil sa muli nilang pagkikita ng kanyang mga co-host, maliban kay Jhong Hilario na pansamantalang nagpaalam sa kanilang programa.

Wala na si Jhong sa live broadcast ng It’s Showtime ngayong araw dahil ang kaligtasan at kalusugan ng pamilya, lalo na ng kanyang bagong silang na anak, ang priority niya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on reporting for live airing of It's Showtime: "Kapag nilamon ako ng takot at hindi ako pumasok, e, di mawawalan din ng ganang pumasok yung iba? Sa pagkakataong ito, kahit natatakot ako, kailangan natin mag-lead, kailangan ng extra takot."
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results