Barbie Forteza, may nakakatuwang kuwento tungkol sa pagpapa-picture niya kasama si Christopher de Leon

by Jojo Gabinete
Apr 16, 2021
Barbie Forteza on working with multi-awarded actor Christopher de Leon: "Sobrang very honored, very starstruck! Never akong nasanay. Sobrang indescribable feeling na part ako ng show na ‘to na talagang dati pinapanood ko lang yung mga kasama ko."
PHOTO/S: @barbieforteza on Instagram

Lumitaw ang pagiging fan ni Barbie Forteza sa virtual presscon ng "The Lookout" episode ng I Can See You na kasalukuyang nagaganap nitong Biyernes ng hapon, April 16.

Tinanong siya tungkol sa working relationship nila ng multi-awarded actor na si Christopher de Leon, ang co-star niya sa drama anthology ng GMA-7 na mapapanood simula sa Lunes, April 19.

May mga funny trivia si Barbie tungkol kay Christopher na bida sa Madrasta, ang 1996 movie na isa sa mga paborito ng Kapuso actress.

“Si Sir Christopher, parang lagi ko pong pinapanood ‘yan, e. Paborito ko po kasi yung Madrasta. So parang, 'Oh my gosh, sandali, kasama ko na siya ngayon!'

“Second time na po namin magka-work. First project namin together was Jillian Presents Namamasko Po [November 2010 hanggang January 2011].

“Daddy ko po siya doon. Dun pa lang, binubulungan na ako ng nanay ko, ‘Yan yung pinapanood natin.’

“Tapos naalaala ko, lumang-luma pa yung camera namin. Nagpa-picture ako tapos hindi namin napa-develop! Nakakaloka!”

Continue reading below ↓

Naulit ngayong 2021 ang pagpapakuha ni Barbie ng litrato na kasama si Christopher sa set ng" The Lookout," pero nakakatawa pa rin ang kanyang karanasan.

“Nagpa-picture uli ako kay Sir Bo kaya lang naka-facemask na kami,” ani Barbie.

Itinuturing ni Barbie na malaking karangalang makasama sa isang project ang respected actor na kanyang hinahangaan.

“Sobrang very honored, very starstruck! Never akong nasanay.

"Sobrang indescribable feeling na part ako ng show na ‘to na talagang dati pinapanood ko lang yung mga kasama ko," sabi niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza on working with multi-awarded actor Christopher de Leon: "Sobrang very honored, very starstruck! Never akong nasanay. Sobrang indescribable feeling na part ako ng show na ‘to na talagang dati pinapanood ko lang yung mga kasama ko."
PHOTO/S: @barbieforteza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results