Mga puna sa pagkakanta ng "Sayang" sa ASAP Natin 'To

by Jojo Gabinete
Apr 18, 2021
Zsa Zsa Padilla in ASAP Natin 'To's Claire dela Fuente Tribute.
Bukod sa iniba ng ASAP Natin 'To ang areglo ng Sayang ni Claire dela Fuente, may iniba rin sa isang linya ng kanta ng namayapang singer si Zsa Zsa Padilla.
PHOTO/S: Screengrab from ASAP Natin 'To, TV5

Nagpugay ngayong Linggo nang tanghali ang ASAP Natin ‘To kay Claire Dela Fuente.

Sa pamamagitan ng pag-awit nina Zsa Zsa Padilla, Klarisse, Erik Santos, Jed Madela, Ogie Alcasid, at Martin Nievera sa kanyang mga kanta, ang "Sayang" at "Something in Your Eyes."

Pumanaw si Claire sa edad na 63 noong March 30, 2021 dahil sa COVID-19 at nagpapasalamat ang kanyang mga anak na sina Gigo at Mickey sa tribute at pagpapahalaga ng ASAP Natin ‘To sa kanilang ina.

“She loved what she did. She loves singing. It healed her heart with so much happiness, just to perform on stage.

"So thank you for being a big part of our mom’s life and for making sure that she looks back with no regrets. Thank you for everything, guys,” ang mensahe ni Gigo sa ASAP via Zoom para sa lahat ng mga nagmamahal at tumangkilik sa mga awit ng kanyang ina.

Sina Zsa Zsa at Klarisse ang kumanta sa "Sayang" pero tila hindi nagustuhan ng televiewers ang kanilang rendition dahil bukod sa binago ang areglo, nagmistulang theme song ng isang drama series ng ABS-CBN ang paraan ng pag-awit nila sa signature song ni Claire.

Continue reading below ↓

Nagkamali rin si Zsa Zsa sa pagkanta dahil dinagdagan niya ng “Pang“ ang linya na “Sana’y maaaring ibalik ang kahapon” na ginawa niyang “Sana’y maaari PANG ibalik ang kahapon.”

Nagkulang, actually, sumobra ang research ng staff ng ASAP Natin ‘To nang ilagay nila na isinilang si Claire noong December 28, 1958.

Dahil ang totoo, ang anak niyang si Gigo ang nagsabi na turning 64 years old sa December ang kanilang ina, kaya 1957 at hindi 1958 ang birth year ng namayapang singer.

NOT ORIGINAL PILIPINO MUSIC

Noong nabubuhay pa si Claire, hindi nito itinanggi na hindi original Pilipino music ang "Sayang" na pinasikat niya noong 1977.

Sinasabi ni Claire sa mga interview na halaw mula isang Malaysian song ang "Sayang."

At nang bawian siya ng buhay noong March 30, 2021, lumitaw ang video ng original version ng kanta na may pamagat na "Kau Membuat Ku Gembira" na inawit ng Malaysian singer na si Sharifah Aini.

Continue reading below ↓

Sharifah Aini

“You Make Me Happy“ ang English translation ng "Kau Membuat Ku Gembira" na pinasikat ni Sharifah sa Malaysia noong 1976.

Sadly, naunang pumanaw si Sharifah sa edad na 61 noong July 5, 2014 dahil sa lung fibrosis.

Ipinagluksa ng Malaysia ang pagpanaw ng sikat na singer na tatlong dekada ang itinagal ng entertainment career, may 115 albums, nakapag-record ng anim na raan na kanta at nagtanghal sa tatlong libong charity shows.

Continue reading below ↓

“Sayang“ ang unang salita sa lyrics ng "Kau Membuat Ku Gembira" at posibleng may kinalaman ito kaya may "sayang" word din ang pamagat ng iconic song ni Claire.

Hindi orihinal ang awit ni Claire pero kung ikukumpara ito sa "Kau Membuat Ku Gembira," marami ang nagsasabi na mas maganda ang pagkakaawit niya sa "Sayang" na may hatid na matinding lungkot lalo na sa mga taong hindi nakatuluyan ang kanilang mga minamahal.

Ang hauntingly beautiful song ni Claire ang dahilan kaya hindi makatarungan para sa kanyang mga tagahanga ang estilo ng pag-awit sa "Sayang" nina Zsa Zsa at Klarisse sa ASAP Natin ‘To.

Talagang sayang.

HOT STORIES

PEP.ph is now on Quento! Click the links below to download the app and enjoy more articles and videos from PEP.ph and your favorite websites!

On Android devices: https://bit.ly/3gaVs8O

On iOS devices: https://apple.co/3stitGq

On Desktop: https://www.quento.com.ph/

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa iniba ng ASAP Natin 'To ang areglo ng Sayang ni Claire dela Fuente, may iniba rin sa isang linya ng kanta ng namayapang singer si Zsa Zsa Padilla.
PHOTO/S: Screengrab from ASAP Natin 'To, TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results