Jinggoy Estrada at James Yap, parehong nangungulila sa kanilang ama at anak na nagdiriwang ng kaarawan

by Jojo Gabinete
Apr 19, 2021
Parehong nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong April 19 sina former President Joseph Estrada (kaliwa, kasama ang panganay na anak na si Jinggoy Estrada noong bata pa ito) at si Bimby Yap (kanan, kasama ang amang si James Yap sa lumang litrato nila).
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Isang anak at isang ama ang nangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay na kapwa nagdiriwang ng kaarawan ngayong Lunes, April 19.

Ngayong araw ang 84th birthday ni former Philippine President Joseph Estrada.

Hindi makakapiling ng kanyang mga anak si Erap dahil nagpapagaling pa siya sa ospital mula nang magkaroon siya ng COVID-19 noong March 29, 2019.

Ang gumaling ang dating Pangulo ang birthday wish ni former Senator Jinggoy Estrada, ang anak na nangungulila sa kanyang ama.

“That’s my primary wish for him, to get well soon.

"Second, to help more needy people in difficult time like this.

"Thirdly, to spend more time with his apos and lastly, to take good care of himself," sagot ni Jinggoy nang itanong ng Cabinet Files ang mga kahilingan niya para sa kaarawan ng kanyang ama.

Kung anak ng dating Pangulo ng bansa si Jinggoy, apo naman ng dating Presidente ng Pilipinas na si Cory Aquino si Bimby Yap, na nagdiriwang ngayon ng 14th birthday.

Continue reading below ↓

Si James Yap ang ama na nangungulila sa kanyang anak dahil matagal na silang hindi nagkakasama ni Bimby.

Hindi man sila nagkikita, hindi nakakalimot si James na ipaabot sa kanyang anak ang pagbati sa tuwing kaarawan nito sa pamamagitan ng mga social media post niya.

"Happy 14th birthday Bimb. I love you no matter what! Wishing you all the best that life can offer. God bless you," mensahe ni James na imposibleng hindi nakarating kay Bimby dahil marami ang nag-share ng Instagram post ng kanyang estranged father.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong April 19 sina former President Joseph Estrada (kaliwa, kasama ang panganay na anak na si Jinggoy Estrada noong bata pa ito) at si Bimby Yap (kanan, kasama ang amang si James Yap sa lumang litrato nila).
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results