Lovi Poe, matunog ang balitang lilipat din sa ABS-CBN

by Jojo Gabinete
Apr 19, 2021
Ayon sa balita, si Lovi Poe ang Kapuso star na susunod na lilipat sa bakuran ng GMA-7. Malaki ang posibilidad na tanggapin niya ang offer ng ABS-CBN at ang Owe My Love ang huling proyekto niya bilang isang Kapuso.
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram

Matunog ang balitang pagkatapos ni Sunshine Dizon, si Lovi Poe ang susunod na Kapuso star na lilipat sa ABS-CBN.

Kinumpirma ng isang nakakaalam sa tunay na kuwento na may alok na project ang ABS-CBN kay Lovi, at may posibilidad na tanggapin niya ito.

Kung sakaling tanggapin ni Lovi ang alok ng ABS-CBN, ang Owe My Love ang huling TV assignment niya sa GMA-7.

Hindi magkakaroon ng conflict sa kanyang paglipat dahil malapit nang matapos ang nabanggit na drama romantic comedy series.

Natapos noong July 2020 ang three-year exclusive contract ni Lovi sa GMA Network kaya malaya na siyang makalipat sa ibang TV network.

Nag-renew si Lovi ng kontrata sa home network niya noong July 26, 2016.

Sa panayam sa kanya, ito ang naging pahayag niya: “GMA has always been my home, and I’m just happy po na nandito ako ngayon signing a contract with my network.

“Nagpapasalamat ako dahil palagi nila akong binibigyan ng opportunity to actually work on what I’m really passionate about, which is acting and performing in front of the people who are supportive.”

Continue reading below ↓

Lovi Poe on Someone To Watch Over You

Magkakaroon ng press conference si Lovi sa susunod na linggo.

Hinihintay ito dahil baka magsalita ang actress-singer tungkol sa balitang iiwanan na niya ang network na nagbigay sa kanya ng malaking break sa telebisyon noong 17 years old pa lamang siya.

Si Leo Dominguez ng LVD Artist Management ang namamahala sa showbiz career ni Lovi.

Continue reading below ↓

Kung matutuloy ang paglipat ng aktres sa Kapamilya Network, makakasama na niya ang ibang mga talent ng LVD na sina Paulo Avelino, JC de Vera, at Janine Gutierrez.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa balita, si Lovi Poe ang Kapuso star na susunod na lilipat sa bakuran ng GMA-7. Malaki ang posibilidad na tanggapin niya ang offer ng ABS-CBN at ang Owe My Love ang huling proyekto niya bilang isang Kapuso.
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results