Jeffrey Hidalgo, inaming niligawan noon si Geneva Cruz

by Jojo Gabinete
Apr 19, 2021
Jeffrey Hidalgo on possibility of having a relationship with friend Geneva Cruz: "Nag-evolve na yung friendship namin, parang magkapatid kami talaga. Ganoon kami ka-close. I’m not closing any doors, pero as of now, hindi talaga, e. Platonic yung bonding namin."
PHOTO/S: Instagram

Si Geneva Cruz ang isa sa mga topic sa afternoon virtual presscon para kay Jeffrey Hidalgo ngayong Lunes, April 19, ilang oras bago ang announcement ng singer-actress tungkol sa pagpanaw ng kanyang inang si Marilyn.

Napag-usapan si Geneva sa naganap na digital mediacon dahil sa rebelasyon ni Jeffrey na nanligaw ito noon sa singer-actress.

Pero humantong lamang sa pagiging matalik na magkaibigan lamang ang relasyon nila.

“Nanligaw ako sa kanya noong high school ako kaya nga siya yung grand ball date ko. Pero nabasted ako.

"I think si Raymart [Santiago] yata ‘yon!” ang natatawa at bitin na rekoleksyon ni Jeffrey tungkol sa panunuyo niya noon kay Geneva.

Nag-umpisa ang pagkakaibigan nina Jeffrey at Geneva nang maging miyembro sila ng singing group na Smokey Mountain, na itinatag noong 1989 ng National Artist na si Ryan Cayabyab.

Hindi itinatago ni Jeffrey na si Geneva ang pinakamalapit sa kanya sa lahat ng mga miyembro ng Smokey Mountain.

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon, malalim pa rin ang samahan nila bilang magkaibigan kaya tinutukso sila ng kanilang mga tagahanga.

Sabi ni Jeffrey, "Hindi namin alam kung matutuwa kami or magiging uncomfortable. Buti na lang, we’re very open to each other.

"Nagugulat kami, especially nung nag-Boracay kami. Nagpo-post kami ng pictures, parang ginawa na kaming love team ng fans namin.

"Si Geneva, nagugulat din siya. Kapag nagpo-post siya [ng pictures] na kaming dalawa, grabe yung engagement, grabe yung likes."

Continue reading below ↓

Posible bang magkaroon sila ng relasyon sa kanilang mga edad ngayon dahil pareho silang single?

Sagot ni Jeffrey, “Nag-evolve na yung friendship namin, parang magkapatid kami talaga. Ganoon kami ka-close.

“I’m not closing any doors, pero as of now, hindi talaga, e. Platonic yung bonding namin.

"But we're open to… kung magkakaroon kami ng projects together."

Nagkaroon ng virtual media conference para kay Jeffrey dahil sa kanyang pagbabalik bilang contract star ng Viva Artists Agency.

Sabi niya, "I’m really excited. For the past few years, I’ve been really focusing on my directing career. Medyo nakalimutan ko na yung singing at saka acting ko.

"Most of my work were directing, mostly with GMA-7.

"I’m just really honored to be back in the stable of Viva."

Umaasa si Jeffrey na bukod sa mga acting assignment, mabibigyan din siya ng mga directorial project sa kanyang home studio.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeffrey Hidalgo on possibility of having a relationship with friend Geneva Cruz: "Nag-evolve na yung friendship namin, parang magkapatid kami talaga. Ganoon kami ka-close. I’m not closing any doors, pero as of now, hindi talaga, e. Platonic yung bonding namin."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results