Kylie Verzosa, itinago noong una ang pagsali sa Binibining Pilipinas at pagpasok sa showbiz

by Jojo Gabinete
Apr 20, 2021
Kylie Verzosa on her role in The Housemaid: "Mahirap siya para sa akin dahil ito yung first lead role ko na very malayo talaga sa personality ko. Nahirapan ako."
PHOTO/S: @kylieverzosa on Instagram

Ang pagbibida sa Philippine remake ng Korean suspense-thriller movie na The Housemaid ang isa sa mga pinakamahirap para kay Kylie Verzosa dahil sa kanyang mga mapangahas na eksena.

Si Kylie ang nagsabing ibang-iba ang personalidad niya sa karakter ni Daisy sa The Housemaid, at malaking tulong ang lockdown noong nakaraang taon para mapaghandaan niya ang naturang project.

Saad niya, "Mahirap siya para sa akin dahil ito yung first lead role ko na very malayo talaga sa personality ko. Nahirapan ako.

"Siguro, if Viva made me do this film a year ago, hindi ko talaga magagawa o siguro tapos na yung career ko sa pag-arte.

"Pero over the lockdown, I was able to prepare for it more, and sa tingin ko naman, nagawa ko siya nang tama.

"Pero mahirap talaga. That was the most difficult role for me."

FROM BEAUTY QUEEN TO ACTRESS

Dalawang beses sumali si Kylie sa Binibining Pilipinas.

Continue reading below ↓

Natalo siya sa kanyang unang paglahok noong 2015, pero napanalunan niya ang Bb. Pilipinas International crown noong 2016.

Ito ang naging daan para magwagi ang dalaga bilang Miss International 2016.

Naninibago kay Kylie ang mga kaklase nito dahil sobra ang kanyang pagiging mahiyain noon, kaya ikinagulat nila ang kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas at pagpasok sa showbiz.

"Sobrang mahiyain ako noon. Sobrang soft spoken. Quiet lang ako, shy type.

"Coming here to Manila and getting into showbiz, hindi na pwede yun, kakainin ka na nang buhay ng industriya kapag masyado kang shy.

"Coming from Ateneo, pumasok ako sa showbiz, parang itinago ko pa sa friends ko.

"Nahihiya pa ako na sabihin na ito yung gusto kong gawin, magpa-pageant ako. Itinago ko muna habang hindi pa ako nananalo," pagtatapat ni Kylie.

Unti-unti raw siyang nagkaroon ng tiwala sa sarili dahil sa kanyang mga karanasan.

Sabi ni Kylie, "It comes with experience. It comes with failure.

Continue reading below ↓

"Noong nanalo ako ng Miss International, natalo muna ako sa Binibining Pilipinas, so that really helped me.

"Parang kailangan ko munang matalo para sabihin na gusto ko ito.

"Feeling ko, kaya ko ito. 'Bakit sila, bakit hindi ako yung nanalo?' Yun ang nasa ulo ko.

"Feeling ko naman, deserve ko na manalo, pero bakit hindi ako nanalo?

"Mas nagpursige ako na aralin kung ano ba talaga yung hinahanap nila.

"Over time, I figured it out na, okay, this is what they’re looking for. And over time, I was able to built confidence and make myself whatever they wanted me to be.

"At feeling ko, nagagamit ko rin ‘yon sa acting ngayon."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Verzosa on her role in The Housemaid: "Mahirap siya para sa akin dahil ito yung first lead role ko na very malayo talaga sa personality ko. Nahirapan ako."
PHOTO/S: @kylieverzosa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results