Dalawa sa anim na babaeng lumimas ng pagkain sa isang community pantry, nasaktan sa mga paratang laban sa kanila

by Jojo Gabinete
Apr 20, 2021
Humarap sina "Shawie" at "Ika," dalawa sa anim na babaeng lumimas sa isang community pantry sa Barangay Kapitolyo, Pasig, upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa akusasyon ng netizens.
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras

Basta pagkain ang isyu, triggered ang sambayanang Pilipino.

Una itong napatunayan nang ipaglaban noon ng barangay officer na si Phez Raymundo kay Grab driver Marvin Ignacio na hindi essential food ang lugaw.

Muling nasubok ang pasensiya ng mga Pilipino dahil naging national issue na rin ang mga itlog at iba pang mga pagkain na tinangay ng ilang kababaihan mula sa community pantry sa Barangay Kapitolyo, Pasig City, kahapon, April 19.

Nasasaktan sa mga mabibigat na paratang laban sa kanila ang mga babaeng viral ngayon sa social media.

Humarap sa 24 Oras ngayong gabi, April 20, ang dalawa sa anim na kababaihan para ipagtanggol ang mga sarili, kasama ang hamon na kayang-kaya nilang ibalik ang kakaunting pagkain na kanilang kinuha.

Kabilang sina "Shawie" at "Ika"—hindi nila tunay na pangalan—sa anim na kababaihang nakunan ng CCTV habang nililimas ang mga pagkain sa community pantry na itinatag ni Carla Quiogue.

Sabi ni Shawie, "Siyempre, nasasaktan po kasi kakaunti lang po din ‘yon. Kaya po namin isoli ‘yon kung ganyan lang din po na ilalabas nila sa social media."

Continue reading below ↓

Nasasaktan si Shawie dahil matindi umano ang social media backlash sa kanyang kaibigan na kitang-kita sa CCTV na tumangay sa mga itlog na, siguro, mas ginusto na lamang maging mga sisiw kung alam lang nila na masasangkot sila sa isyu ng kasakiman.

Shawie getting trays of eggs at community pantry

"Yung kasamahan po namin, masyado na siyang bina-bash na hindi naman po talaga nila alam ang totoo," ani Shawie, na blurred ang mukha sa interbyu ng 24 Oras para hindi na siya makilala.

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag naman ni Ika na may permiso ng barangay tanod at ni Quiogue ang pagkuha nila ng mga pagkain mula sa community pantry na kanilang ipinamahagi umano sa mga kapitbahay.

Saad niya, "Bago kami kumuha, nagtanong pa kami. Ang sabi pa sa amin ng tanod doon, 'O, sige, okey lang.'

"Sabi din sa amin ng may-ari na okey lang. Para naman ‘yan sa karamihan.

"So pag-uwi namin, namahagi din kami.

"Pasensiya na din po kasi nga ganoon nga yung naging asal namin, pero lilinawin namin po sa kanila na hindi kami nagnakaw."

Iba ang pahayag ni Ika dahil malayo ito sa kuwento ni Quiogue sa 24 Oras.

Si Quiogue ang nag-upload sa social media ng CCTV footage ng pangyayari na mabilis na kumalat at umani ng sari-saring mga reaksiyon.

Sabi niya, "Hala, grabe, pati yung dalawang tray ng itlog nawala, pati yung tray mismo.

"Tinawag ko pa nga sila, sabi ko nakalimutan nila yung lamesa. Sabi nila, ibibigay na lang daw nila sa kapitbahay nila."

Continue reading below ↓

Nakatanggap si Quiogue ng mensahe mula sa isang kapitbahay ng mga sumalakay na kababaihan. Diumano, hindi sila nabigyan ng mga pagkaing kinuha mula sa community pantry dahil ang mga kamag-anak daw ng mga sumugod ang nakinabang.

Nakahanap naman ng kakampi ang anim na babae mula sa isang kapitbahay nila na nagpatotoong nabigyan siya ng pagkain mula sa kontrobersiyal na community pantry.

"Pagdating nila dito, shinare nila agad yung kinuha nila sa community pantry, apat na itlog at dalawang noodles po.

"Malaking bagay na po para sa amin ‘yon.

"Sana huwag po natin silang i-bash kasi hindi po nila alam lahat yung totoong istorya," pakiusap ng lalaking hindi nagpakilala kaya hindi tiyak kung kabilang siya sa mga kamag-anak na tinutukoy ng kapitbahay na nagreklamo na wala itong natanggap na pagkain mula sa nilimas na community pantry.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Humarap sina "Shawie" at "Ika," dalawa sa anim na babaeng lumimas sa isang community pantry sa Barangay Kapitolyo, Pasig, upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa akusasyon ng netizens.
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results