Derek Ramsay, inaming siya ang nakipag-break kay Andrea Torres sa telepono

by Jojo Gabinete
Apr 21, 2021
Derek Ramsay on ex-girlfriend Andrea Torres: "I told her, 'I think that this is the end of this relationship because we cannot see eye to eye on this matter. So I think it’s just best na kumalas na tayo ngayon rather than lalaki pa, and then two, three years down the road, maghihiwalay tayo.'"
PHOTO/S: Noel Orsal

Dahil sa honesty o ang matapat na sagot ni Derek Ramsay sa mga tanong sa kanya, nadagdagan ang mga nakikisimpatiya sa ex-girlfriend niyang si Andrea Torres.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang Kapuso actress tungkol sa kanilang paghihiwalay, maliban sa isang maiksing official statement na lumabas noong November 2020.

Si Derek ang special guest sa radio program ni Cristy Fermin na Cristy Per Minute kahapon, April 20.

Dito ay may mga bagong rebelasyon ang aktor tungkol sa breakup nila ni Andrea noong nakaraang taon.

Kinumpirma ni Derek na siya ang nakipaghiwalay.

May kinalaman din daw ang pamilya ni Andrea sa kanilang split-up.

At nakipaghiwalay lamang siya sa pamamagitan ng tawag sa telepono, isang bagay na diumano’y pinagsisisihan niya.

Saad ni Derek “Yung sa amin ni Andrea, it was actually may problema na nangyari na, I guess, nagbigay sa akin ng sign na, I think, this relationship we have, our views on this... yung problemang ‘yon, yung values namin, ng isa’t isa, is not the same.

Continue reading below ↓

"Hindi mali yung values niya, hindi mali yung values ko. Pero ganito ako pinalaki, ganoon siya pinalaki.

"Hindi ko na aatakihin ‘yon, hindi ko siya babaguhin. Hindi niya ako babaguhin.

"So I told her, 'I think that this is the end of this relationship because we cannot see eye to eye on this matter.

"'So I think it’s just best na kumalas na tayo ngayon rather than lalaki pa, and then two, three years down the road, maghihiwalay tayo.

"'Babalikan natin ito kasi nga iba ang views natin sa problemang ‘yan, and it’s a waste of time and it’s a waste of effort… masakit, di ba?'"

Dire-diretso ang kuwento ni Derek tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Andrea, pero hindi niya sinabi ang problema na kanyang tinutukoy.

Patuloy ng Kapuso actor, "So, ako yung nakipagkalas.

"Sa phone po namin… 'yon lang yung siguro kung may regret ako is that it came up over the phone.

Continue reading below ↓

"Actually, dapat magkikita kami noon, ang nangyari, it came up over the phone, pero with no disrespect.

"Hindi namin dinisrespect ang isa’t isa. She agreed also," diin ni Derek.

Ang pag-amin ni Derek na siya ang kumalas at sa telepono lamang sila naghiwalay ni Andrea ang dalawa sa mga rason kaya nadagdagan ang mga nakikisimpatiya sa aktres.

Naramdaman umano nila ang matinding kirot sa puso ni Andrea dahil napakasakit para sa isang babaeng ito ang iwanan ng lalakeng kanyang minamahal, at naghiwalay lamang sila sa pamamagitan ng pag-uusap sa telepono.

Naging matapat si Derek sa kanyang mga sagot at pahayag, pero hindi ito tanggap ng sympathizers ni Andrea kaya hinuhusgahan at binabatikos nila ang nagpakatotoong 44-year-old actor.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on ex-girlfriend Andrea Torres: "I told her, 'I think that this is the end of this relationship because we cannot see eye to eye on this matter. So I think it’s just best na kumalas na tayo ngayon rather than lalaki pa, and then two, three years down the road, maghihiwalay tayo.'"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results