Governor Jonvic Remulla to Mayor Isko Moreno: “Hindi ka namin uurungan.”

by Jojo Gabinete
Apr 23, 2021
Cavite Governor Jonvic Remulla (left) to Manila Mayor Isko Moreno (right): Yorme, alam ng lahat ang ambisyon mong maging Pangulo. Wala namang isyu dun. Libre mangarap ang kahit sino. Pero sana ay huwag mong tapakan ang iba para lamang umangat ka. Hindi ka pa nga Pangulo ay ang yabang mo na.”
PHOTO/S: Courtesy: Jonvic Remulla / Isko Moreno Domagoso on Facebook

“Hindi ka namin uurungan.”

Ito ang mensaheng ipinararating ni Cavite Governor Jonvic Remulla para kay Manila City Mayor Isko Moreno.

Hindi kasi nagustuhan ni Remulla ang diumano’y pagkastigo ni Isko kay Naic Mayor Jun Dualan.

Ipinagtanggol ni Remulla si Dualan dahil hindi nagustuhan ng Cavite governor ang mga sinabi ni Isko sa panayam nito sa ABS-CBN News.

Pahayag ni Remulla sa kanyang Facebook post ngayong Biyernes ng umaga, April 23, “Kamakailan lamang ay nagpahayag sa ABS-CBN News si Mayor Isko ‘Yorme’ Domagoso.

“Dito kinastigo niya si Mayor Jun Dualan ng Naic, Cavite.

”Ito ay dahil sa hindi o huling pagbibigay ng SAP [social amelioration program] sa ilang residente ng Naic na mga bagong salta galing Maynila.

“Sila ay mga relocatees na dating mga informal settlers sa Maynila na tinanggap ng Naic para makatira sa mga bahay na galing sa programa ng NHA [National Housing Authority].”

Bilang depensa kay Dualan, inisa-isa ni Remulla ang ginagawa niya at ng mga alkalde ng Cavite na pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan na hindi residente ng kanyang nasasakupang lalawigan.

Continue reading below ↓

Mensahe niya kay Isko: “Yorme, huwag mo namang sabihin na hindi namin iniintindi ang mga galing Maynila.

“Sila ay nag-aaral sa aming mga paaralan at humingi ng tulong sa aming mayor.

”Nag-aaral ang mga kabataan sa aming state university nang libre. Lahat ng basic services ay binibigay namin.

“Kahit galing Maynila, basta lumipat sa Cavite ay Caviteño na rin ang turing namin.

“Kahit papaano ay naghahanap kami ng paraan para sa 4.2 milyon na katao dito sa Cavite.”

Saad pa ni Remulla, ”Noong pumutok ang Taal, tinanggap namin ang humigit-kumulang sa 50,000 na Batangueño dito sa Cavite.

”Obligasyon namin bilang kalapit-lalawigan ang tanggapin, pakainin, gamutin, protektahan at kupkupin ang lahat ng nangangailangan.

”Nakipagtulungan din kami sa mga LGU sa Batangas at pinuno namin ang kanilang mga pagkukulang.

”Ngayon, napakatibay ng aming samahan.”

Kasunod nito, dala marahil ng kanyang emosyon, naging personal ang mga banat ni Remulla laban kay Isko.

Pasaring niya, “Yorme, alam ng lahat ang ambisyon mong maging Pangulo. Wala namang isyu dun. Libre mangarap ang kahit sino.

Continue reading below ↓

”Pero sana ay huwag mong tapakan ang iba para lamang umangat ka. Hindi ka pa nga Pangulo ay ang yabang mo na.

“Hirap na hirap na nga kami dito, kami pa ang ginawa mong rason dahil sa pagka-atat mong sumikat.

”Sana, pag-aralan mo muna ang suliranin bago ka magpuputak nang walang kwenta.

“Kung pagpapasikat lang ang gusto mo, hindi mo kailangan mang-apak ng Caviteño.

”Wag kaming mga Caviteño ang pag-initan mo. Hindi ka namin uurungan.”

Tiyak na nakarating na kay Isko ang mga mabibigat na paratang ni Remulla kaya inaabangan ng publiko ang kanyang sagot.

Ang banggaang ito nina Remulla at Isko ay nagpapaalala sa marami sa Iyo ang Tondo, Akin ang Cavite, ang 1986 movie nina Fernando Poe, Jr. at Ramon Revilla, Sr.

Ito dahil sa namumuong word war sa pagitan ng gobernador ng Cavite at sa laking-Tondo na alkalde ng Maynila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cavite Governor Jonvic Remulla (left) to Manila Mayor Isko Moreno (right): Yorme, alam ng lahat ang ambisyon mong maging Pangulo. Wala namang isyu dun. Libre mangarap ang kahit sino. Pero sana ay huwag mong tapakan ang iba para lamang umangat ka. Hindi ka pa nga Pangulo ay ang yabang mo na.”
PHOTO/S: Courtesy: Jonvic Remulla / Isko Moreno Domagoso on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results