Lalaking nakita sa community pantry ni Angel Locsin may contact sa COVID-19 patient

Pinayuhan siyang mag-self quarantine pero bakit siya nandoon?
by Jojo Gabinete
Apr 24, 2021
Ganito ang eksena sa community pantry ni Angel Locsin na inilunsad niya noong April 23, 2021, ang araw mismo ng kanyang 36th birthday,
PHOTO/S: Jerome Ascano

Nakakaalarma!

Kabilang sa mga namataan kahapon, April 23, 2021, sa kontrobersiyal na community pantry ni Angel Locsin ang isang lalaki na pinayuhang mag-self quarantine.

Nagkaroon raw kasi ito ng close contact sa kanyang kasamahan sa trabaho na nag-positibo sa COVID-19 at kasalukuyang naka-confine sa ospital.

Nakilala at natukoy ang lalake dahil sa mga litrato at video na kumalat kahapon at kuha mula sa community pantry ni Angel sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Nag-alala ang mga kakilala ng lalaking binalewala ang payo sa kanyang huwag lumabas ng bahay hangga’t hindi nakakatiyak na negatibo siya sa COVID-19.

Ibinabahagi namin sa publiko ang impormasyong ito para mabigyan ng babala at maging mapanuri sa kalusugan ang mga taong nakahalubilo niya sa dinumog na community pantry ni Angel.

Mula kahapon, April 23, hanggang bukas, April 25, ang permit na ibinigay ng Barangay Holy Spirit para sa community pantry ni Angel.

Ayon ito kay Benjamin Berriber, ang barangay desk officer, na nakausap ng Cabinet Files kaninang umaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sinabi ni Barangay Holy Spirit Captain Chito Valmocina sa panayam ng PTV News na malaki ang pananagutan ni Angel sa kaguluhang nangyari sa nakansela nang community pantry niya.

Hindi lamang nagkagulo ang mga tao na nagkulang sa disiplina dahil isang senior citizen, si Rolando dela Cruz, 67 years old, ang nahimatay habang nakapila at idineklarang dead on arrival nang dalhin sa East Avenue Medical Center.

"Ito sanang trahedyang ito ay hindi na maulit. Sana ito ay una at huli na sapagkat napakalaking pagkakamali ang nakita ko dito sa nangyari.

"Dahil ina-announce ni Madam Angel Locsin na yung kanyang birthday ay parang dito niya gagawin. Mga taga-iba’t ibang lugar talaga ang pumasok sa atin kasi nga nabasa nila.

"Kasi nga kami idol namin, puro supporter at idol si Angel. Gusto nilang bumati, gusto nilang makita at inaasahan nila na may regalo pa si Angel Locsin.

"E, nag-post siya, nag-imbita siya. Kasi ang nakalagay nga pala anyone is welcome, but please make sure to follow protocols.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Isipin niyo para mag-post ka ng ganito? Ano bang ibig sabihin nito na anyone is welcome?" ang pahayag ni Valmocina na nag-iisip na sampahan si Angel ng serious negligence, ayon sa report ng PTV News.

Samantala, naglabas ngayong araw, April 24, si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng pahayag na hindi na kailangan ng barangay permit o clearance sa operasyon ng mga community pantry basta magbibigay ito ng libreng pagkain para sa publiko.

Walang masama sa pagbubukas ng mga community pantry dahil marami sa ating mga mahihirap at nagugutom na kababayan ang makikinabang at matutulungan. Pero dapat isaalang-alang ng mga opisyal ng pamahalaan na nasa ilalim pa rin ng Moderate Enhanced Community Quarantine ( MECQ ) hanggang sa April 30 ang Metro Manila at ang mga karatig-lalawigan nito para makontrol ang coronavirus pandemic.

Nakasaad sa MECQ Guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) ang mga sumusunod:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

1. Those below 18 years old, over 65 years old, those with comorbidities, pregnant women should stay at home except for work and obtaining essential services.

2. Mass gatherings are prohibited.

Base sa mga video at litrato na kuha mula sa mga nagsulputang community pantry (hindi lamang sa community pantry ni Angel) sa iba’t-ibang panig ng Metro Manila at mga kalapit na probinsiya, ipinagsasawalang-bahala ito dahil makikita ang mga senior citizens at nanay na may dalang bata na nakapila.

Maging ang pagtitipun-tipon ng mga tao ay lantarang pagsuway sa MECQ guidelines ng IATF.

Bukod pa rito ang paglabag sa itinakdang curfew—from 8 p.m. to 5 a.m.

Ayon sa panayam ni Angel sa TV Patrol, alas tres pa lang daw ay may mga nakapila na sa harapan ng kanyang pantry at isa na rito si Dela Cruz, ang senior citizen na binawian ng buhay.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ganito ang eksena sa community pantry ni Angel Locsin na inilunsad niya noong April 23, 2021, ang araw mismo ng kanyang 36th birthday,
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results