Bea Binene wala nang exclusive contract sa GMA-7 pero mananatiling Kapuso

by Jojo Gabinete
Apr 24, 2021
Bea Binene: "Contract lang po ang nawala, but I know that I am still a Kapuso and will always be forever grateful to GMA."
PHOTO/S: @beabinene on Instagram

Kinumpirma ni Bea Binene kaninang umaga, April 24, 2021, ang balitang natapos na ang exclusive contract niya sa GMA Network Inc.

Nagkaroon ng mga haka-haka na posibleng lumipat si Bea sa ibang television network, pero tiniyak ng 23-year-old actress na mananatili siya bilang Kapuso.

"It's true po that I don't have an ongoing contract right now, but it doesn't mean that I'm not a Kapuso anymore.

"We've decided po to not accept any soaps muna because of the pandemic. Nakakatakot din po kasi since madami rin yata ang nagkaka-COVID sa lock-in tapings."

Huling napanood si Bea sa Beautiful Justice na emere mula September 2019 hanggang January 2020. Nakasama niya rito sina Yasmien Kurdi at Gabbi Garcia.

Sa ngayon, host siya DZBB radio program at Gtv show na OMJ (Oh My Job).

Aniya, "But OMJ, my show produced by DOLE on Gtv every Saturdays is still ongoing po."

Hindi man siya maging aktibo sa showbiz dahil sa coronavirus pandemic, ang kanyang pag-aaral ang tinututukan ngayon ni Bea.

Continue reading below ↓

"I will also focus on studying po since I was supposed to graduate last year pero na-stop po dahil sa pandemic.

"I enrolled in some online courses at Northwestern Kellog and London Business School so I can be productive even if I'm home lang.

"We are also preparing po some businesses.

"Contract lang po ang nawala, but I know that I am still a Kapuso and will always be forever grateful to GMA."

still a kapuso

Ang assurance ni Bea na mananatili siya bilang Kapuso ang makapagpapanatag sa kalooban ng kanyang mga fans na nag-alala na baka umalis siya sa television network na malaking bahagi ng buhay niya.

Anim na taon lamang si Bea nang sumali siya sa StarStruck Kids noong 2004. Ka-batch niya sina Miguel Tanfelix at Paul Salas.

Mula noon, nagtuluy-tuloy na ang acting career ng 23-year-old star kaya malalim ang pagmamahal at pagpapahalaga niya sa kanyang home network at pangalawang tahanan.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Binene: "Contract lang po ang nawala, but I know that I am still a Kapuso and will always be forever grateful to GMA."
PHOTO/S: @beabinene on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results