Sunshine Guimary: dati nga ba siyang lalake at hindi tunay na babae?

by Jojo Gabinete
Apr 25, 2021
"Natawa lang ako," ito ang reaksiyon ni Sunshine Guimary sa intrigang isa siyang transgender woman.
PHOTO/S: @sunshine_guimary on Instagram

Hindi nainsulto ang upcoming sexy star na si Sunshine Guimary sa isyung pinalulutang ng kanyang detractors na dati siyang lalake at hindi tunay na babae.

Launching movie ni Sunshine ang Kaka, na isang sexy comedy movie ng Viva Films.

Maliban sa pagkakaroon ng magandang mukha at seksi na pangangatawan, wala pang napapatunayan si Sunshine sa showbiz, pero nabigyan agad siya ng big break. At ito ang pinaghihinalaang dahilan kaya may mga naiinggit at nagkakalat ng tsismis na transgender woman siya.

"Natawa lang ako," ang sabi ni Sunshine nang makausap siya ng Cabinet Files kagabi, Apil 24, 2021, tungkol sa mga pagdududa sa kanyang tunay na pagkatao.

"Natawa na lang ako dahil hindi siya isyu sa akin kasi alam ko na tunay na babae ako.”

Nang itanong namin kay Sunshine kung may matibay na ebidensiyang pinanghahawakan niya na makapagpapatunay na tunay siyang babae, ang kanyang walang kagatol-gatol na sagot: "Siyempre, ang birth certificate ko."

Continue reading below ↓

Sa tanong kung ano ang pinakamatinding intriga tungkol sa kanya na narinig niya nang pumasok siya sa showbiz,” Wala akong napansin,” ang diretsahang pahayag ng 26-year-old newbie.

Radio disc jockey na sex therapist at mandirigma sa kama ang role ni Sunshine sa Kaka, pero may sumpa na hindi magkakaroon ng satisfaction sa pakikipagtalik ang lahat ng mga kababaihang miyembro ng pamilya niya.

Mapangahas si Sunshine sa launching movie nito dahil literal na naglalagablab sa init ang mga eksena niya, kasama ang kanyang leading men na sina Jerald Napoles at Ion Perez.

Tulad ng Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, pinag-uusapan ang Kaka dahil sa trailer pa lang, ipinakita agad ang mga sizzling scene ni Sunshine sa pelikulang mapapanood sa VivaMax simula sa May 28, 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Natawa lang ako," ito ang reaksiyon ni Sunshine Guimary sa intrigang isa siyang transgender woman.
PHOTO/S: @sunshine_guimary on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results