Jerald Napoles inaming "uncomfortable" ang GF na si Kim Molina sa sexy scenes sa Kaka

by Jojo Gabinete
Apr 25, 2021
Aminado si Jerald Napoles na naging "uncomfortable" ang girlfriend na si Kim Molina sa sex scenes niya kay Sunshine Guimary sa Kaka.
PHOTO/S: @iamjnapoles on Instagram

Ano reaksiyon ni Kim Molina sa love scene ng boyfriend na si Jerald Napoles at ni Sunshine Guimary?

Itinanong ito kay Jerald Napoles sa Zoom presscon ng Kaka na naganap nitong Linggo ng hapon, April 25, 2021.

Hindi nagpaliguy-ligoy si Jerald at nagpakatotoo siya sa kanyang sagot na hindi naging kumportable si Kim kaya ipinaalam sa kanyang girlfriend ang buong detalye ng love scene nila ni Sunshine.

"Honestly speaking, siyempre girlfriend has to react regarding sa mga ganitong bagay, so medyo naging uncomfortable si Kim lalo na nung malaman niya yung mga gagawin.

"It’s a sex comedy. Maski naman ako, hindi ko ine-expect na mapupunta ako sa ganitong linya."

Malaking bagay na na-brief siyang maigi ng direktor na si GB San Pedro.

"...nakausap namin si Direk GB, sinabi naman niya kung ano yung vision niya regarding sa pelikula.

"Actually, detalyado. Kailangan malaman kapag ganyan so dinetail naman ni Direk GB na eto yung choreography, eto yung editing niyan, dito yung camera, tayo-tayo lang dito.

Continue reading below ↓

"Nung nalinaw na kung ano yung vision, naging kumportable kahit papaano, and then sinuportahan naman ni Kim kung ano yung kaya kong gawin para sa pelikula."

Pinatotohanan ni Jerald na masyadong steamy ang mga sexy scenes nila ni Sunshine kaya kailangan talagang sabihin sa kanila ang mga mangyayari nang kunan ang maseselan na eksena.

“Oo, steamy yung love scene at hindi lang naman kay Kim, pati sa akin, kailangan idetalye.

"Pati mismo kay Sunshine kasi sabi nga ni Direk GB, ‘Hindi naman tayo magsu-shoot ng porn.’

"So meron siyang artistic approach, kailangan lang malaman bilang artista kung saan papunta yung vision ng direktor para lang alam namin bilang kami ang gagawa ng choreo, blocking, at pakiramdam ng eksena para magtugma rin with the director.”

Sina Jerald at Ion Perez ang leading men ni Sunshine sa Kaka na magsisimula ang streaming sa VivaMax sa May 8.

Ang pagiging mas kumportable ni Sunshine kay Jerald kesa kay Ion ang napansin ng entertainment writers sa mediacon ng Kaka dahil sa mga pahayag ng upcoming sexy star tungkol sa kanyang mga kapareha sa pelikula.

Continue reading below ↓

"Nag-enjoy ako kay Jerald, nabitin kay Ion. Nabitin kay Ion kasi medyo limited yung mga bagay. Nag-enjoy kay Jerald kasi siguro pareho kaming open sa lahat ng bagay.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aminado si Jerald Napoles na naging "uncomfortable" ang girlfriend na si Kim Molina sa sex scenes niya kay Sunshine Guimary sa Kaka.
PHOTO/S: @iamjnapoles on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results