Direk Rico Gutierrez nagkuwento tungkol sa liksi ni Bong Revilla sa Agimat ng Agila

by Jojo Gabinete
Apr 26, 2021
Nagkuwento si Rico Gutierrez tungkol sa balik-telebisyon ni Bong Revilla sa fantasy action series na Agimat ng Agila.
PHOTO/S: courtesy of Rico Gutierrez; File

Si Rico Gutierrez ang direktor ng Agimat ng Agila, ang comeback television series ni Senator Bong Revilla Jr.

Halos anim na taong hindi umarte sa harap ng kamera ang 54-year-old action star dahil sa mga pagsubok na pinagdaanan niya sa kanyang political career.

Sa exclusive interview ng Cabinet Files, ikinuwento ni Rico na nanibago si Bong sa muling pag-arte, pero tumanggi itong gumamit ng "double."

"Very excited si Senator Bong. At first, sabi niya, ‘Parang naninibago ako.’ Panay ang tanong niya, ‘Okey ba? Okey ba?’ Pero after the second and third take, parang nag-warm up na siya.

"Meron kaming double niya na naka-standby sa set, ayaw niya. Siya lahat ang gumawa ng stunts niya. Maliksi pa siya,” ang mga pahayag ni Rico na natutuwa at nagpapasalamat dahil marami ang pumupuri sa teaser ng mala-pelikula na kalidad ng Agimat ng Agila nang i-release ito ng GMA-7.

"Fantasy action ang Agimat ng Agila so I think yung fans ng action movies, magugustuhan nila. Medyo superhero siya, puwedeng panoorin ng lahat.”

Continue reading below ↓

Hindi nahirapan si Rico at ang production team sa lock-in taping ng Agimat ng Agila dahil ganito na ang sistema nila sa taping ng Daig Kayo ng Lola Ko, ang drama fantasy anthology ng Kapuso network na siya rin ang direktor.

"Ako yung direktor na ayoko nang may baklas [change location]. Gusto ko yung location, sa isang lugar lang, nandoon lahat.

"Ever since sa Daig Kayo ng Lola Ko, yung grupo namin ganoon yung parang training so hindi naman kami nahirapan. Nakaka-adjust kami.

"Ang mahirap lang, dapat fifty lang kami sa set so wala kaming mga extra.

"Kami-kami na rin yung mga naglalakad, mga PA, mga driver ng van. Yun lang ang mga compromise."

Nagustuhan ba niya ang sistema ng lock-in tapings?

"Ang lock-in tapings, hindi mo masasabi na blessing, pero magandang idea siya. Ngayon puro lock-in taping ang mga television series.

"Para sa akin bilang direktor, mas maganda siya dahil focused ang lahat . Wala nang uwian. Sa set, mas may conversation kung ano yung dapat gawin. Naging solid yung samahan namin,” ang pagbabahagi ng mahusay at in demand resident director ng Kapuso network.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkuwento si Rico Gutierrez tungkol sa balik-telebisyon ni Bong Revilla sa fantasy action series na Agimat ng Agila.
PHOTO/S: courtesy of Rico Gutierrez; File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results