Bayani Agbayani, idineklarang No. 2 noontime show sa bansa ang Lunch Out Loud

by Jojo Gabinete
Apr 26, 2021
Bayani Agbayani on his dream of becoming a TV director: "It’s about time... para madagdagan naman ng kulay ang estado ko sa industriya ng showbiz. Para tumatak naman sa mga tao na, 'Aba, may improvement, ah. Nagdidirek na ngayon.'"
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Ang Eat Bulaga! ng GMA-7, It’s Showtime ng Kapamilya Channel at A2Z, Lunch Out Loud ng TV5, at Happy Time ng Net25 ang apat na noontime programs ngayon ng bansa.

Walang alinlangang nangunguna pa rin ang Eat Bulaga! sa mga nabanggit na noontime shows, at marami ang naniniwalang pumapangalawa ang It’s Showtime.

Kaya hindi imposibleng may mga kumontra sa deklarasyon ni Bayani Agbayani na Number 2 ang Lunch Out Loud, kung saan isa siya sa mga host.

“Awa naman ng Diyos, after Eat Bulaga, kami na. Ganoon na yung ratings,” walang kakurap-kurap ang matang sabi ni Bayani.

Ipinagmalaki ni Bayani na kakaiba ang Lunch Out Loud sa lahat ng mga noontime show na sinalihan niya dahil sa sama-sama nilang pagdarasal bago matapos ang kanilang programa.

Sabi niya, “Aangkinin ko na po ito. Marami na akong noontime shows na pinagdaanan simula pa sa Channel 7, Channel 2, Channel 5.

“Ever since, hindi po ako nakakita ng noontime show na nagdarasal on-air at ‘yon, pumasok lang po yun sa segment namin na dapat nating pasalamatan ang Diyos sa lahat ng blessings na ibinigay sa amin.

Continue reading below ↓

"Kaya bago matapos ang show, kung napanood niyo po, nagdarasal kami sa huling gap ng show.

"Nagpapatawa tayo, tumutulong tayo sa kapwa, hayaan natin ang mga batang nanonood na malaman na dapat pala talagang magdasal lalo na sa panahon ngayon.

"Na ang tanging makakapitan lang natin, e, prayers para sa ating buhay at sa mga mahal natin sa buhay."

BAYANI DREAMS OF BECOMING A TV DIRECTOR

Nakausap ng entertainment press si Bayani nitong Lunes ng hapon, April 26, sa welcome Zoom mediacon ng Viva Artists Agency para sa kanya.

Excited na ikinuwento ni Bayani ang mga proyektong gagawin nito para sa kanyang bagong mother studio, pati na ang posibilidad na matuloy ang pangarap niyang maging television director.

"May pelikulang nakahanda, sitcoms. May sinabi sa akin ang Cignal TV na may gagawin kami ni Randy Santiago na parang sitcom na Buddy En Sol," pagtukoy niya sa sitcom noon ni Eric Quizon at ng yumaong si Redford White.

Continue reading below ↓

"Sabi ko kay Bossing [Veronique del Rosario-Corpus, his new manager] nung nag-usap kami, ‘Bossing, it’s about time, kung gusto mo tayo na yung magdirek para madagdagan naman ng kulay ang estado ko sa industriya ng showbiz. Para tumatak naman sa mga tao na, aba, may improvement, ah. Nagdidirek na ngayon.'

"Actually, yung sitcom with Aga [Muhlach], hindi ko pa nga nasasabi kay Aga at sa Viva. Kasi hindi ko alam, kapag nauna itong kay Randy, baka magsabay.

"Hindi ko pa naman kina-count na matutuloy, kasi siyempre, hangga’t hindi nagro-roll, hindi pa naman totoo.

"So, kung nandiyan na yung opportunity, iga-grab ko muna. Kasi yung sa amin ni Aga, mga September pa."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayani Agbayani on his dream of becoming a TV director: "It’s about time... para madagdagan naman ng kulay ang estado ko sa industriya ng showbiz. Para tumatak naman sa mga tao na, 'Aba, may improvement, ah. Nagdidirek na ngayon.'"
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results