Maui Taylor, inalala ang pakikipagtrabaho niya sa Oscar 2021 Best Supporting Actress na si Youn Yuh-jung

by Jojo Gabinete
Apr 26, 2021
Maui Taylor on Korean actress and Oscar-winner Youn Yuh-jung: "I’m overwhelmed every time I get to see her because I got to work with her. And I’m sure, she can make more movies because she’s really a good actress. Seryoso talaga siya sa craft niya."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube / Facebook

Ang 73-year-old actress na si Youn Yuh-jung ang headline ng lahat ng news programs at diyaryo sa South Korea ngayon dahil sa kasaysayang nilikha niya sa 93rd Academy Awards.

Ginanap ang Oscars 2021 sa Union Station, Los Angeles, California, nitong Linggo ng gabi, April 25 (Lunes ng umaga, April 26, sa Pilipinas).

Ipinagbubunyi ng kanyang mga kababayan si Youn Yuh-jung dahil siya ang kauna-unahang South Korean actress na nanalo ng best supporting actress trophy sa Oscar Awards para sa pelikulang Minari.

Ang American superstar na si Brad Pitt ang isa sa executive producers ng Minari, at ang aktor din ang nag-present ng kategoryang pinalunan ni Youn Yuh-jung.

Isa ang Filipino sexy actress na si Maui Taylor sa maligaya para sa tagumpay ni Youn Yuh-jung dahil nagkasama sila sa 2012 South Korean movie na The Taste of Money.

Ginampanan ni Maui sa The Taste of Money ang karakter ng Filipino maid na si Eva. Maipagmamalaki rin siya ng ating mga kababayan dahil isa siya sa mga bida ng pelikula.

Continue reading below ↓

Importante ang role ni Maui sa kuwento ng The Taste of Money dahil nagkaroon siya ng relasyon sa kanyang among lalake (Baek Yoon-sik) na asawa ni Baek Geum-ok (Youn Yuh-jung).

Maui Taylor with Youn Yuh-jung in The Taste of Money

Maui Taylor with Youn Yuh-jung and Baek Yoon-sik in a scene from The Taste of Money

Ginawa ni Maui ang pelikula noong panahong (last quarter ng 2011) nag-uumpisa pa lamang ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa Korean movies at drama series.

Continue reading below ↓

SHOOTING TASTE OF MONEY

Dahil sa tagumpay ni Youn Yuh-jung sa Oscar Awards, muling binalikan ni Maui ang mga karanasan niya sa shooting ng The Taste of Money sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files ngayong gabi, April 26.

Lahad ni Maui, “Four months ako nag-stay sa South Korea noon, fly-in fly-out ako.

"Noong time na ‘yon, kaya ko tinanggap ‘yang project na ‘yan, I was going through a heartbreak.

"Hoping ako nung time na ‘yan na ma-absorb ako ng Korea, as in willing akong lumipat doon.

"Sinasabi nila sa akin, mukha akong Korean. Sinasabi nila, ‘You don’t need makeup.' Kasi ang make up nila, BB Cream lang. 'You don’t need make up because you have good skin.'

"Willing akong matuto ng Korean kung ia-absorb nila ako. Yun ang mindset ko noong panahon na 'yon."

Kulang na kulang ang kaalaman noon ni Maui tungkol sa mga Koreanovela na kinababaliwang panoorin ng mga Pilipino.

Continue reading below ↓

Aniya, "Kahit noong nasa Korea ako, clueless ako sa mga K-drama noong time na ‘yon.

"Noong una, medyo mahirap for me kasi hindi ko alam kung nagsasalita sila ng English or hindi.

"Luckily, lahat sila nag-i-English so hindi ako nahirapan makipag-usap sa kanila."

YOUN YUH-JUNG'S OSCARS WIN

Hindi agad nalaman ni Maui na nanalo si Youn Yuh-jung sa Oscar Awards dahil bago namin siya nakausap, kagagaling lamang niya sa isang out-of-town trip.

Labis na ikinatuwa ni Maui ang panalo ni Youn Yuh-jung, na intimidating ang dating sa kanya sa kanilang unang pagkikita noong November 2011.

Sabi ni Maui, “Ngayon ko lang nalaman na nanalo pala siya sa Oscar.

"Medyo na-intimidate ako sa kanya noong una kasi lahat ng nakatrabaho ko sa The Taste of Money, sobrang mga sikat sila na Korean actors and actresses, and isa sila sa mga highest-paid.

"So, nung na-meet ko si Miss Youn, medyo na-intimidate ako sa kanya. Siyempre, hindi pa niya ako masyadong kinakausap.

Continue reading below ↓

"Ako lang yung ibang lahi sa movie, dun ako na-intimidate."

Patuloy niya, "Siguro mga second or third shooting day, may kanya-kanya kasi silang trailer, magkakahiwalay kaming lahat.

"Pero noong nag-shoot kami ng eksena sa house, yung sinakal niya ako, dun na siya naging funny at kengkoy, 'tapos nakikipagkuwentuhan na siya sa akin.

"Sabi niya sa scene na ‘yon, kinausap niya yung direktor, ‘Are you sure, you’re asking me to do this?’

“'Yes,' sabi ng direktor, 'I want you to choke her.'

"Sabi niya, ‘But I will hurt her.’

"Sabi ko sa kanya, ‘No, it’s okay. No problem. Let’s do it.'

"Eh, nakailang take kami kasi hindi makuha ng direktor yung shot na gusto niya kaya pulang-pula na yung leeg ko.

"Sabi ni Miss Youn, ‘Oh my God, are you okay? Can you get ice for her?’ Maasikaso siya."

MESSAGE FOR YOUN YUH-JUNG

Alam ni Maui ang cellphone number ni Youn Yuh-jung.

Continue reading below ↓

Pero sa tagal ng panahong hindi sila nagkikita, inisip niyang baka nagpalit na ng contact number ang Korean veteran actress kaya hiningi na lamang ng Cabinet Files ang kanyang congratulatory message.

Mensahe ni Maui: "Congratulations for winning best supporting actress for the movie Minari.

"Ever since, I’ve always looked up to her as a veteran actress in Korea.

"And every time I see her in Korean television series or movies, I’m always proud of myself kasi parang sino ba naman ako 'tapos nakatrabaho kita? Sobrang sikat talaga siya.

"I’m overwhelmed every time I get to see her because I got to work with her. And I’m sure, she can make more movies because she’s really a good actress. Seryoso talaga siya sa craft niya.

"Congratulations!"

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maui Taylor on Korean actress and Oscar-winner Youn Yuh-jung: "I’m overwhelmed every time I get to see her because I got to work with her. And I’m sure, she can make more movies because she’s really a good actress. Seryoso talaga siya sa craft niya."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results