Ion Perez, planong magbenta ng manok at magbukas ng pares restaurant sa Tarlac

by Jojo Gabinete
Apr 27, 2021
Ion Perez on his special quality: "Yung pagiging ako lang. Kung paano ako nakikita sa TV. Ganoon lang ako sa personal, mas makulit pa."
PHOTO/S: Facebook / Viva Films

Kapansin-pansin ang pagiging simple, kabutihan ng puso, at kababaang-loob ni Ion Perez sa kanyang mga sagot sa mga katanungan ng Cabinet Files tungkol sa kuwento ng kabataan niya at ngayong bahagi na siya ng entertainment industry.

Ipinagtapat ni Ion na hindi niya pinangarap pumasok sa showbiz kaya nagugulat din siya sa malaking pagbabago na nangyari sa kanyang buhay.

"Never sumagi ‘yan sa isip ko. Ang gusto ko talaga noong bata pa ako, maging basketball player lang talaga. Yun lang.

"Pero hindi mo naman talaga masasabi, kaya ayun, ba’t ako napunta sa showbiz?" natatawa at may pagtatakang kuwento ni Ion.

Hindi inililihim ni Ion ang mahirap na pamumuhay nila ng kanyang pamilya sa Concepcion, Tarlac noong hindi pa siya sumasali sa mga male beauty pageant.

Saad niya, “Ano lang, nandun lang sa lugar namin. Tumutulong sa nanay, nagtitinda ng kakanin.

"Sabi ko nga sa mga nakaraang interbyu, tumutulong akong magtinda ng kakanin. Dati, suma-sideline din sa pagtitinda ng manok sa palengke.

Continue reading below ↓

"Ang kinamulatan ko sa probinsiya, sa pamilya namin, sobrang hirap talaga.

"Yung tipong kapag umuulan, hindi kayo makakatulog. Dapat hintayin niyo na tumila muna yung ulan.

"Kasi yung bubong namin, butas, so kailangan kaming itabi ni Tatay.

"Kapag hindi kami itinabi, pare-pareho kaming mababasa. So, hihintayin naming tumila yung ulan para bumalik kami sa puwesto.

"Ang naging lesson sa akin nun, maging magpadasal lang at magtiwala lang sa proseso ni Lord."

SHOWBIZ CAREER IS JUST TEMPORARY

Bukas ang isip ni Ion sa katotohanang panandalian lamang ang showbiz career.

Kaya ang pagtitinda ng mga manok at pagbubukas ng pares restaurant sa kanilang bayan sa Tarlac ang mga negosyong kanyang pinaplano.

"Ang business na gusto ko, pagmamanok, pagtitinda ng manok, kasi na-experience ko dun sa amin.

"Sa manok talaga, wala kang talo. Kahit balahibo, kahit paa, lahat talaga, wala kang talo sa manok. Lahat talaga nabibili.

"Saka yung isa, pares. Sa amin, walang 24-hours na kainan. Yung mga tao dun, alam niyo na sa probinsiya, pagkatapos nilang uminom, gutom ‘yan panigurado at yun ang wala.

Continue reading below ↓

"Yun ang gusto ko, yun ang target ko, pares na 24-hours."

Ano ang special qualities mo na hindi makikita sa iba at maipagmamalaki mo?

Sagot ni Ion, "Yung pagiging ako lang. Kung paano ako nakikita sa TV. Ganoon lang ako sa personal, mas makulit pa."

Ano naman ang goals mo habang bahagi ka ng entertainment industry?

Aniya, "Ang goals ko, habang nandito ako, nae-enjoy ko naman siya at i-enjoy ko pa siya.

"At the same time, mag-ipon, kasi alam naman nating lahat na panandalian lang ito. Mag-iipon tapos mag-e-enjoy."

LEADING MAN

Introducing si Ion sa Kaka, ang launching movie ng sexy star na si Sunshine Guimary.

Sina Ion at Jerald Napoles ang leading men sa Kaka na isang hindi makalilimutang karanasan para sa 30-year-old co-host ng It’s Showtime.

Ayon kay Ion, "Nagulat ako, pero siyempre, nandiyan na ‘yan. Sino ba ako para tumanggi [sa movie project]?

"Pero bago naman kami nag-shoot, nag-workshop naman kami, so parang na-practice din yung isip namin.

Continue reading below ↓

"Na-rehearse ni Ate na ganito dapat ang emosyon kapag kukunan ang eksena. Malaking bagay rin na nakapag-rehearse kami bago isinalang.

"Excited ang pakiramdam ko sa first-day shoot. First movie ko... although hindi first, pero ako yung isa sa leading men.

"Excited, pero nape-pressure kung ano yung magiging resulta ng gagawin namin. Ganoon pa man, nairaos namin, naitawid namin.

"Hindi rin ako sanay na hindi umuuwi ng bahay. Nakaka-miss din yung uuwi ka galing trabaho.

"Pero nakapag-adjust naman ako nung tatlong araw na sa lock-in shooting."

Ano ang pinakamahirap na eksenang ginawa mo sa Kaka?

"Siyempre, unang-una, alam niyo na ‘yon, yung pagsasalita ko ng Ingles!" natatawang pagpapakatotoo ni Ion.

"Alam niyo naman, solid ako na Kapampangan, siyempre ang hirap kapag hindi ka talaga sanay magsalita ng Ingles.

"Kapag ikaw nagsasalita ka, parang ang dali. Pero kapag narinig pala ni Direk, parang ‘No! no!’ Nakapag-adjust naman sila.

"Tapos yung pinakamaraming take namin, kung hindi ako nagkakamali, yung sa sasakyan. Medyo nahihirapan din si Shine kaya dun kami nakarami ng takes."

Continue reading below ↓

IT'S SHOWTIME

Nang gawin niya ang Kaka, nakita ni Ion ang malaking pagkakaiba ng mundo ng telebisyon at ng pelikula.

Kaya mas gusto pa rin niya ang kanyang mga ginagawa sa It’s Showtime, ang noontime show ng ABS-CBN na kinabibilangan niya.

"Para sa akin, malaking pagkakaiba kasi sa TV.

"Sa It’s Showtime, i-present mo lang yung sarili mo. Maging natural ka lang, yun lang ang gagawin mo.

"Pero sa tingin ko lang kasi, sa pelikula, may iba-ibang emosyon kaya parang mas okey ako sa TV."

Lumitaw ang pagiging bata ni Ion nang itanong namin ang reward nito sa sarili nang matanggap niya ang kanyang talent fee mula sa Kaka.

"May pinag-iipunan akong laruan na hindi ko siya makuha-kuha kasi kulang pa yung ano ko.

"Pero dahil sa Kaka, nabuo ko siya kaya nabili ko yung laruan ko. Something na laruan talaga!!" masayang-masayang sabi ni Ion, pero tumangging sabihin ang laruan na kanyang binili.

Continue reading below ↓

Lastly, ano ang kanyang reaksiyon nang mapanood niya ang official trailer ng Kaka

Surprisingly, ayaw ni Ion na napapanood ang sarili dahil nahihiya siya na isang malaking palaisipan din para sa kanya.

"Isa pa ‘yon sa mga itinatanong ko sa sarili ko. Ewan ko kung bakit.

"Hindi ko kayang panoorin ang sarili ko, as in talaga, alam ni Meme [Vice Ganda] ‘yan. Hindi ko kayang panoorin ang sarili ko.

"Pero sinilip ko yung trailer, okey naman. Tapos okay na okay naman yung mga nakikita ko feedback ng trailer.

"Sorry, pero parang nahihiya ako sa sarili ko. Hindi ko kayang makita siya nang buo," sabi ni Ion.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez on his special quality: "Yung pagiging ako lang. Kung paano ako nakikita sa TV. Ganoon lang ako sa personal, mas makulit pa."
PHOTO/S: Facebook / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results