Maui Taylor, binalikan ang karanasan habang ginagawa ang Korean film na The Taste of Money

by Jojo Gabinete
Apr 28, 2021
Left photo: Maui Taylor (center) with The Taste of Money co-stars Kim Kang-woo and Kim Hyo-jin; right photo: the poster of the South Korean film which was in competition at the 2012 Cannes Film Festival.

Matapos magkuwento ni Maui Taylor tungkol sa working experience niya kay Youn Yuh-jung—ang veteran Korean actress na nanalong best supporting actress sa 93rd Academy Awards para sa pelikulang Minari—ang mga karanasan sa shooting ng The Taste of Money sa South Korea ang ibinahagi ng dating Viva Hot Babes member.

Ang The Taste of Money ang erotic thriller na pinagbidahan ni Mau at ng mga sikat na Korean stars. Naging official entry ito sa 65th Cannes Film Festival noong May 2012.

Lahad ni Maui sa Cabinet Files, "Peak ng winter sa South Korea nang gawin namin ang pelikula.

"Mula umpisa hanggang ending ang participation ko sa The Taste of Money.

"Ipinalabas siya sa Pilipinas sa Cinema One at ang alam ko, pwedeng mapanood ngayon sa Amazon Prime.

"Actually, sequel ang The Taste of Money ng The Housemaid," pagtukoy ni Maui sa blockbuster Korean movie noong 2010.

Dagdag niya, "Ginawa ng Viva Films ang Philippine remake ng The Housemaid, si Kylie Verzosa ang bida."

Continue reading below ↓

SHOOTING THE TASTE OF MONEY FOR FOUR MONTHS

Apat na buwang namalagi si Maui sa Seoul, mula November 2011 hanggang February 2012, para sa shooting ng The Taste of Money, at nagustuhan niya ang sistema ng mga Koreano sa paggawa ng pelikula.

"They follow strictly yung 10 hours a day na working time. So, kung nagte-take ka pa pero inabutan ng tenth hour mo, automatic, tapos ka na.

"Ipu-pull out ka na nila sa set, whether tapos na o hindi pa yung mga eksena mo. Pack-up ka na.

"Masasarap din ang mga pagkain nila sa set. Tumaba ako doon kasi ang sarap talaga ng food."

Maui Taylor with The Taste of Money production staff

Continue reading below ↓

Maui with the stars and production staff of The Taste of Money

Kuwento pa ni Maui, "Hindi every day ang shoot namin. Minsan, one week off kami, depende sa schedule nila.

"Sa one week na ‘yon, meron akong kasama na Korean interpreter.

"Binigyan nila ako ng sariling car, sariling flat, tapos every day, may allowance sila in US dollars.

"You go whereever you wanna go, do whatever you want to do. Pero basta shooting day, susunduin ka nila ng two hours before.

"Strict sila sa oras para pagdating sa set, nagbabasa ka na ng lines mo, mine-make up-an ka na."

korean co-stars

Nang matapos ang apat na buwan na shooting nila, hindi naiwasan ni Maui na makaramdam ng separation anxiety dahil naging kaibigan niya ang buong cast at production staff ng The Taste of Money.

"Nagkaroon ako ng separation anxiety kasi ang tagal naming nag-shooting saka naging crush ko yung isang lead, si Kim Kang-woo!" natawang sabi ni Maui.

Continue reading below ↓

Kim Kang-woo in The Taste of Money

Kim Kang-woo in The Taste of Money

Filipina maid na naglilingkod sa mayamang pamilya at nagkaroon ng relasyon sa kanyang amo ang role ni Maui sa The Taste of Money.

Si Baek Yoon-sik ang gumanap na amo ni Maui. Bilib na bilib ang aktres sa professionalism ng respected veteran Korean actor.

Continue reading below ↓

Maui Taylor with Baek Yoon-sik in The Taste of Money

Maui with Korean veteran actor Baek Yoon-sik and child stars in a scene from The Taste of Money

"Nag-search ako tungkol sa kanila dahil sinabi ng direktor na si Im Sang-Soo, ‘You search the entire cast. You search for them one by one.’

"Pati si Baek Yoon-sik, sobrang sikat din. Siya yung kaeksena ko sa movie 'tapos may part na kailangan niya na halikan ‘yung paa ko, hinalikan niya talaga yung paa ko!

Continue reading below ↓

"Sabi ko, 'No! It’s okay. Let’s just fake it.'

"Sabi niya, 'No! I will really kiss your feet!' Ganoon sila ka-dedicated sa work nila."

Nagpapasalamat si Maui dahil naging bahagi siya ng isang international movie at nabigyan ng pagkakataong makatrabaho ang mga sikat at iginagalang na Korean actors.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Left photo: Maui Taylor (center) with The Taste of Money co-stars Kim Kang-woo and Kim Hyo-jin; right photo: the poster of the South Korean film which was in competition at the 2012 Cannes Film Festival.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results