Vic Sotto, kinantahan ng "Happy Birthday Dear Daddy Vic" ng anak na si Tali

by Jojo Gabinete
Apr 28, 2021
Vic Sotto's wish on his 67th birthday: "Good health para sa lahat ng tao. Sabi nga, sama-sama tayo, tulong-tulong para makaraos at maayos na ang lahat. Basta importante, good health para sa lahat, good health para sa ating bayan."
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!

Ang pagkanta ng kanyang three-year-old daughter na si Tali ng "Happy Birthday Dear Daddy Vic" ang highlight ng simple birthday celebration ni Vic Sotto sa Eat Bulaga ngayong Miyerkules, April 28.

Ngayong araw ang 67th birthday ni Vic.

Mabuting kalusugan ng lahat ang tanging kahilingan ng veteran TV host-comedian sa pangalawang taon ng pagdiriwang niya ng kaarawan sa panahon ng coronavirus pandemic.

"Good health para sa lahat ng tao. Sabi nga, sama-sama tayo, tulong-tulong para makaraos at maayos na ang lahat.

"Basta importante, good health para sa lahat, good health para sa ating bayan," pahayag ni Vic.

MESSAGES FROM TITO SEN & JOEY

Muling nakumpleto sa Eat Bulaga! ang trio nina Vic, Joey de Leon, at Senate President Tito Sotto dahil nagbigay rin ng mensahe ang dalawa.

“Pare, happy birthday, I love you and Tali, ang galing. Very good,” sabi ni Joey, na humanga sa pagkanta ng anak nina Vic at Pauleen Luna.

Continue reading below ↓

Joey de Leon birthday message for Vic Sotto

Ang matupad naman ang kahilingan ni Vic ang mensahe ni Tito para sa kanyang kapatid.

“Sana yung wish mo na makaraos tayong lahat dito sa pandemyang pinagdadaanan natin ay matupad.

"Binabati ka namin, in behalf of my entire family. Lahat ng mga kapatid mo, bumabati kami sa 'yo ng isang maligayang kaarawan.

Continue reading below ↓

"God bless, stay safe, we love you very much."

Tito Sotto birthday message for Vic Sotto

Tungkol sa mga personalidad na nagsimula ang showbiz career sa edad na lima o mas bata pa ang pinahulaan sa virtual edition ng "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga.

Pero may koneksiyon pa rin sila kay Vic dahil nakatrabaho nito noon ang choices na sina Ice Seguerra, Ryzza Mae Dizon, Ryza Cenon, Baste Arumpac, Isabelle de Leon, Buboy Villar, at Epy Quizon.

Continue reading below ↓

Napaiyak si Baste nang batiin nito si Vic ng "Happy Birthday" dahil matindi ang kanyang pangungulila sa TV host-comedian na matagal na niyang hindi nakakasama at nakikita nang personal.

Baste greets Vic Sotto

Memorable naman kay Ice ang pagtrato sa kanya ni Vic na parang tunay na anak dahil sa matagal na pagsasama nila sa defunct sitcom na Okey Ka Fairy Ko, Eat Bulaga, at mga pelikula.

Continue reading below ↓

"Ang sarap, parang pamilya talaga. Ang sarap ng pakiramdam. For me, ‘yon ang very memorable," sabi ni Ice.

Ice Seguerra Ice Seguerra

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto's wish on his 67th birthday: "Good health para sa lahat ng tao. Sabi nga, sama-sama tayo, tulong-tulong para makaraos at maayos na ang lahat. Basta importante, good health para sa lahat, good health para sa ating bayan."
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results