Marcoleta at Defensor, namudmod ng libreng Ivermectin sa kabila ng babala ng FDA, mga doktor

by Jojo Gabinete
Apr 30, 2021
Dr. Tony Leachon on two congressmen who distributed free Ivermectin to residents of one barangay in Quezon City: "With politicians pushing for Ivermectin, an unregistered product, this is epic chaos. First do no harm. Perhaps, even medical colleagues supporting this movie, have forgotten the tenets of the Hippocratic Oath."
PHOTO/S: Shutterstock

Noong nakaraang buwan, naglabas ng announcement ang Food and Drug Administration Philippines (FDA) tungkol sa pagtangkilik ng publiko sa veterinary product na Ivermectin.

Ayon sa FDA: "Per FDA Advisory No. 2021-0526 issued on 15 March 2021, the FDA advises the public AGAINST the purchase and use of Ivermectin veterinary products against COVID-19.

"The registered Ivermection veterinary products are only approved for use the prevention of heartworm disease and treatment of internal and external parasites in certain animal species.

"Ivermectin is NOT APPROVED by the FDA for treatment of any viral infection."

Sa kabila ng mahigpit na paalaala ng FDA at pagtutol ng mga doktor, itinuloy nina Deputy Speaker Rodante Marcoleta at Anak-Kalusugan Partylist Representative Mike Defensor ang pamumudmod ng libreng Ivermectin sa ating mga kababayan sa barangay hall ng Barangay Matandang Balara, Quezon City, nitong Huwebes ng umaga, April 29.

Bago bigyan ng Ivermectin ang mga pumila, kailangan muna nilang kumonsulta sa mga doktor na kasama nina Defensor at Marcoleta.

Continue reading below ↓

Ang mga doktor ang nagsulat ng prescription para sa anti-parasitic drug. Pero nakababahalang hindi nila inilagay ang kanilang mga pangalan at license number sa mga reseta ng mga naniniwala sa sinabi ni Defensor na ligtas gamitin at mabisa ang Ivermectin laban sa COVID-19.

Kinuwestiyon ng mga reporter ang hindi paglalagay ng mga doktor ng pangalan at license number sa reseta.

Ito ang sagot ni Defensor, “Isa lang ang pirma nila, hindi naman iba-iba ang pirma. We have Dr. Castillo, Dr. Agbayani, Dr. Quinto, and Dr. Landrito.

"So, at anytime, you check all the yung prescriptions nila, we can identify the doctor."

DR. LEACHON VS MARCOLETA, DEFENSOR

Ang former National Task Force Against COVID-19 special adviser na si Dr. Tony Leachon ang isa sa mga hindi pabor sa pamamahagi ng Ivermectin na ginawa nina Marcoleta at Defensor.

Sa kanyang tweet nitong Huwebes ng umaga, sinabi ni Leachon, "With politicians pushing for Ivermectin, an unregistered product, this is epic chaos.

Continue reading below ↓

"First do no harm. Perhaps, even medical colleagues supporting this movie, have forgotten the tenets of the Hippocratic Oath."

Hippocratic Oath ang tawag sa oath of ethics ng mga manggagamot.

Kabilang dito ang “First do no harm” na nangangahulugang tulungan o huwag sasaktan ang mga pasyente.

RADIO AND SHOWBIZ PERSONALITY USED IVERMECTIN

Samantala, isang radio personality at isang male showbiz personality ang nakausap ng Cabinet Files at nagkuwento tungkol sa karanasan nila sa pag-inom ng Ivermectin.

Pinatotohanan ng male showbiz personality na umiinom siya ng Ivermectin bilang precautionary measure laban sa coronavirus at, diumano, wala siyang nararamdamang kakaiba.

Iba naman ang epekto sa radio personality na sinubukan ang Ivermectin sa loob ng tatlong araw pero inihinto niya.

Lahad niya, "Nag-iinit ang buong katawan ko. Parang nag-aapoy ang katawan ko. Itinigil ko ang pag-inom ng Ivermectin dahil natakot ako."

Nagpapasalamat ang radio personality dahil gumaling ang kanyang COVID, pero ibang gamot at hindi ang Ivermectin ang naging solusyon.

Continue reading below ↓

Tinamaan din ng COVID-19 si former President Joseph Estrada pero tumanggi ang kanyang mga doktor na painumin siya ng Ivermectin, ayon ito sa anak niyang si Jinggoy Estrada.

Sabi ni Jinggoy sa panayam sa kanya noon ng ABS-CBN News, "I consulted the doctor of my dad about Ivermectin.

"And the doctor said, 'I will not give Ivermectin for your dad because that is only for animals.'

"I really have to follow the doctor’s advice. Sila yung dalubhasa, e. Siyempre, I cannot argue with them. I cannot debate with them."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dr. Tony Leachon on two congressmen who distributed free Ivermectin to residents of one barangay in Quezon City: "With politicians pushing for Ivermectin, an unregistered product, this is epic chaos. First do no harm. Perhaps, even medical colleagues supporting this movie, have forgotten the tenets of the Hippocratic Oath."
PHOTO/S: Shutterstock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results