Buwis-buhay na production number ni Sarah Geronimo, P1.5M ang nagastos

by Cabinet Files
Apr 30, 2021
Ang production company ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang gumastos para sa nakakamanghang set na umiikot para sa "Ikot-Ikot" production number ng singer-actress.
PHOTO/S: Tala: The Film Concert

Muling mabibigyan ng oportunidad ang fans at supporters ni Sarah Geronimo mapanood ang kanyang highly successful digital concert na Tala: The Film Concert.

MAgkakaroon ito ng back-to-back-to-back encore sa streaming sites na ktx.ph.,iWantTFC, at TFC IPTV, bukas, May 1, 8 p.m. at sa Linggo, May 2, 11 a.m.

Labingwalo ang performances ni Sarah sa Tala: The Film Concert.

Kinunan ito sa Smart Araneta Coliseum bilang homage sa venue, na malaki ang bahagi sa buhay niya dahil sa naturang lugar itinanghal ang kanyang mga nakaraan at matatagumpay na major concerts.

Si Paul Basinillo ang direktor ng Tala: The Film Concert at sa kanya nanggaling ang impormasyonG kinunan sa Big Dome ang 90% ng concert, maliban sa pinag-uusapang "Ikot-Ikot," ang buwis-buhay production number ni Sarah.

Mahigit sa isang milyong piso ang ginastos ng G Productions (ang production company ni Sarah at ng kanyang asawa na si Matteo Guidicelli) para sa construction ng specialized studio ng "Ikot-Ikot" sa Tanay, Rizal.

Continue reading below ↓

"We need to construct a specialized studio just for 'Ikot-Ikot' because it was too big and the contraption needed a specialized venue to mount circular rigging.

"They spent more than a million just for the set alone. The contraption probably added another half a million pesos or so," kuwento ni Paul tungkol sa magastos na set ng "Ikot-Ikot" nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong gabi ng Biyernes, April 30.

Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli in Tala the Concert

Continue reading below ↓

Dahil sa malaking size ng box set na ginamit sa "Ikot-Ikot," hindi ito pwedeng dalhin sa Smart Araneta Coliseum.

Kaya nangyari sa Tanay ang shooting ni Sarah para sa kanyang production number na apat na minuto lang ang haba pero matagal ang naging paghahanda.

"We started the shoot early morning but the whole set-up took one whole week to prepare.

"One full day of separate rehearsals and four months of planning, just for that production number alone," dagdag ni Paul.

Sarah Geronimo Tala the Concert performance

Continue reading below ↓

Marami sa fans ni Sarah ang namangha sa set ng "Ikot-Ikot" production number na agad nag-trending sa social media noong March 27, ang petsa ng unang beses na streaming ng concert ni Sarah.

Si Enzo Pizarro ang production designer ng Tala: The Film Concert. Hanggang ngayon, nasa studio pa rin niya sa Tanay ang box set ng "Ikot-Ikot.” Pero disassembled na ang rigging o malalaking kableng ginamit na pang-suporta para matiyak ang kaligtasan ni Sarah nang gawin nito ang buwis-buhay na performance.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang production company ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang gumastos para sa nakakamanghang set na umiikot para sa "Ikot-Ikot" production number ng singer-actress.
PHOTO/S: Tala: The Film Concert
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results