Sanya Lopez, hindi nagkaroon ng conflict sa taping ng Agimat ng Agila at First Yaya

by Jojo Gabinete
May 1, 2021
Kahit wala pang mga eksena si Sanya Lopez sa pilot episode ng Agimat ng Agila, na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla, ay sinuportahan ito ng kanyang mga tagasuporta.
PHOTO/S: Facebook

Kahit wala pang mga eksena si Sanya Lopez sa Agimat ng Agila, sinuportahan ng kanyang mga supporter ang pilot telecast ng TV comeback ni Senator Bong Revilla ngayong Sabado ng gabi, May 1.

Hindi pa ipinakikita ang mga eksena ni Sanya dahil nakasentro pa ang kuwento ng Agimat ng Agila sa relasyon ng karakter ni Bong sa kanyang asawa na ginagampanan ni Sheryl Cruz, na special guest sa drama fantasy series ng GMA-7.

Si Sanya ang love interest ni Bong sa Agimat ng Agila. Kapag nagsimula na ang partipasyon niya, mapapanood na siya sa telebisyon mula Lunes hanggang Sabado dahil siya rin ang leading lady ni Gabby Concepcion sa prime-time series na First Yaya.

Ayon sa direktor ng Agimat ng Agila na si Rico Gutierrez sa Cabinet Files, hindi nagkaroon ng conflict sa nagpang-abot na schedule ng taping ni Sanya para sa weekly series ni Bong at ng First Yaya.

Continue reading below ↓

"Hindi. Inuna munang kunan ang mga eksena ni Sanya para sa Agimat ng Agila dahil napaka-gentleman ni Senator Bong.

"Saka wala pa naman eksena si Sanya sa first two taping days namin," ani Rico.

Loaded ng commercials ang pilot episode ng Agimat ng Agila. Magandang senyales ito para sa comeback project ni Bong, na nanibago sa unang pagsalang niya sa harap ng kamera dahil matagal siyang hindi umarte.

Nang matapos ang airing ng unang kabanata ng kanyang programa, namudmod si Bong ng mga premyo bilang pasasalamat sa mga nanonood ng Agimat ng Agila.

Mga tablet at cash prizes ang mga ipinamigay ni Bong sa kanyang "Kap’s Amazing Agimat ng Agila Giveaway 2," na live napanood sa kanyang Facebook page.

Halos siyam na libong viewers ang viewers nito at umani ng 492,000 comments sa loob lamang ng isang oras mula sa mga kababayan nating matindi ang pangangailangan dahil naaapektuhan nang husto ng coronavirus pandemic ang kanilang mga pamumuhay kaya umasang sila ang mananalo ng mga papremyo.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit wala pang mga eksena si Sanya Lopez sa pilot episode ng Agimat ng Agila, na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla, ay sinuportahan ito ng kanyang mga tagasuporta.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results