Vincenzo ni Song Joong-ki, walang binatbat kay Cardo ni Coco Martin sa pagiging "imortal"

by Jojo Gabinete
May 2, 2021
Pagdating sa pagiging "imortal," walang panama si Vincenzo Cassano ni Song Joong-ki (kaliwa) kay Carlo Dalisay ni Coco Martin (kanan). Tatlong buwan lamang umere ang Vincenzo ni Song Joong-ki, samantalang anim na taon nang nakikipaglaban si Cardo ni Coco sa Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Netflix / Kapamilya Channel

Ngayong Linggo ng gabi, 10 p.m., ang Philippine streaming ng Netflix sa farewell episode ng Vincenzo.

Kaya may nararamdaman nang separation anxiety ang mga Pilipino na nahumaling nang husto sa South Korean drama series na pinagbibidahan ng Korean superstar na si Song Joong-ki.

Nag-umpisa ang Netflix streaming ng Vincenzo noong February 20, 2021. Mula noon, tinutukan at hindi na binitiwan ng marami nating mga kababayan ang pagsubaybay sa Korean drama series na trending sa Twitter Philippines tuwing Sabado at Linggo ng gabi.

Hindi nawawala ang Vincenzo sa Top 10 List ng Netflix Philippines dahil obsessed ang mga Pilipino sa panonood sa top-rating show ni Song Joong-ki sa South Korea at sa ibang panig ng mundo.

Nominated si Song Joong-ki sa best actor category ng 57th Baeksang Arts Awards na magaganap sa May 13, 2021.

Ang Baeksang Arts Awards ang katumbas ng Oscar Awards sa Amerika.

Si Song Joong-ki ang pinapaborang manalo dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang Italian mafia lawyer na matapang at kinatatakutan ng kanyang mga kalaban pero may mabuti at ginintuang puso.

Continue reading below ↓

Makakalaban ni Song Joong-ki sa kategoryang ito sina Kim Soo-hyun (It's Okay To Not Be Okay), Lee Joon-gi (Flower of Evil), Shin Ha-kyun (Beyond Evil), at Uhm Ki-joon (The Penthouse).

“Super hero” ang Vincenzo character ni Song Joong-ki dahil hindi ito matalo o malupig ng mga kalaban, at naliligtasan niya ang lahat ng mga panganib kaya imortal na siya sa paningin ng kanyang fans.

Pero hindi uubra si Vincenzo kay Cardo Dalisay, ang karakter ni Coco Martin sa FPJ's Ang Probinsyano na mag-aanim na taon nang napapanood sa telebisyonpero hindi mapatumba ng mga kalaban.

Balewala ang mga pakikipaglaban ni Vincenzo sa kanyang mga kaaway kung ikukumpara sa 'sangkaterbang pagsubok na pinagdaanan at napagtagumpayan ni Cardo na itinuturing ding imortal.

Tatlong buwan lamang na umere sa Netflix ang Vincenzo, pero matindi ang separation anxiety Filipino fans ni Song Joong-ki.

Inaasahang mas grabe ang pangungulilang mararamdaman ng mga tagasuporta ni Cardo kapag nagpaalam sa telebisyon ang Ang Probinsyano bago matapos ang 2021.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagdating sa pagiging "imortal," walang panama si Vincenzo Cassano ni Song Joong-ki (kaliwa) kay Carlo Dalisay ni Coco Martin (kanan). Tatlong buwan lamang umere ang Vincenzo ni Song Joong-ki, samantalang anim na taon nang nakikipaglaban si Cardo ni Coco sa Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Netflix / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results