Le Chazz, nag-iwan ng sulat at tula para sa best friend na si AJ Tamiza

by Jojo Gabinete
4 days ago
AJ Tamiza (right photo, in red) on late best friend Le Chazz: "May sakit po siya na diabetes. At due to COVID-19, na-stress at na-depress po siya kaya pumayat. Yung kumplikasyon ng sakit niya po ang tingin ko na naging cause ng death niya."
PHOTO/S: Facebook / AJ Tamiza

Nakatakda ang cremation ng mga labi ni Le Chazz—Richard Vargas Yuzon sa tunay na buhay—sa Loyola Memorial Chapels and Crematorium sa Commonwealth, Quezon City, bukas, May 3.

Nakausap ng Cabinet Files ang matalik na kaibigan ni Le Chazz na si AJ Tamiza ngayong Linggo ng gabi, May 2. Siya ang nagbigay ng mga impormasyon tungkol sa pagpanaw ng stand-up comedian at former jester/co-host ng Wowowin kahapon, May 1.

Malalim ang pagkakaibigan nina Le Chazz at AJ dahil sa loob ng pitong taon, sila ang magkasama sa mga show sa Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sabi ni AJ tungkol sa pumanaw na kaibigan, "May sakit po siyang diabetes. At due to COVID-19, na-stress at na-depress po siya kaya pumayat.

"Yung kumplikasyon ng sakit niya po ang tingin kong naging cause ng death niya."

Dagdag pa niya, "Nasa Mary Immaculate Funeral Homes po si Chazz. Pero bukas ng 3 p.m. ang cremation niya sa Loyola Commonwealth.

Continue reading below ↓

"Kami po ng half-sister niya ang nag-aasikaso kay Chazz dahil wala po siyang family,” ang sabi ni AJ.

LETTER AND POEM FOR AJ FROM LE CHAZZ

Naging emosyunal si AJ dahil sa sulat ni Le Chazz para sa kanya na tila premonition ng pamamaalam ng kaibigan niya.

Wala nang buhay si Chazz nang matagpuan siya ni AJ, na dinalhan siya ng pagkain bandang alas-kuwatro ng hapon sa kanyang tahanan sa Kamuning, Quezon City.

Nang linisin naman ng half-sister ni Le Chazz ang kuwarto nito, ang sulat ng pamamaalam niya kay AJ ang isa sa mga nakita ng kanyang kapatid.

Bahagi ng sulat ni Le Chazz para kay AJ: "AJ Tamiza, My bestfriend, Partners in crime. Sister from another mother. Ang taong di ako sinukuan, ang nakakakilala ng higit sa akin at nakakaintindi. Basta mahal na mahal ko ‘to."

Le Chazz letter for bestfriend AJ Tamiza

Continue reading below ↓

Nag-iwan din si Le Chazz ng tula, na may pamagat na "Isang Mahabang Pasasalamat," para sa kanyang kaibigan.

Ito ang nilalaman nito:

O Aking Kaibigan...

Ang iyong mukha ay tila puno ng kalungkutan...

Katulad ng madalas nating biruan at kulitan...

Ang ganyang mukha ay medyo mahapdi sa mata kung tititigan

O matalik kong kaibigan...

Maaari bang matanong ko lang?

Ang luha ba sa’yong mata’y ako ang dahilan?

Pasensya ka na kung ako na ay lumisan at unang nagpaalam

Subalit ‘wag kang mag-alala

Pagkat ang puso ko’y ay umalis na puno ng ligaya at kasiyahan

Ang buhay natin ay talagang ganyan...

May mauuna at maiiwan

Di ba’t sabi nga nila...

I-enjoy mo ng todo pagkat buhay ay maikli lamang

Ngunit gaano man kaiksi ang buhay na pinahiram

Ng Poong May-Kapal ay s’yang haba ng pasasalamat

Pagkat ang bawat yugto nito ay nakasama kita mahal kong Kaibigan

Kaya’t pahiran na ang luha at ikaw nama’y tumawa

Continue reading below ↓

Dahil ang iyong ngiti at saya ang gusto kong ibaon sa lugar na kung saan lahat tayo ay muling magkikita.

Le Chazz poem for AJ Tamiza

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Tamiza (right photo, in red) on late best friend Le Chazz: "May sakit po siya na diabetes. At due to COVID-19, na-stress at na-depress po siya kaya pumayat. Yung kumplikasyon ng sakit niya po ang tingin ko na naging cause ng death niya."
PHOTO/S: Facebook / AJ Tamiza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results