Pinoy caregiver, inilarawan ang sitwasyon sa Israel pagkatapos luwagan ang COVID restrictions

by Jojo Gabinete
3 days ago
Pinoy caregiver Boy Austria on situation in Israel after the government's decision to end outdoor face mask mandate: "Sa open areas, puwede nang walang face mask. Pero kailangan pa ring gumamit kapag sasakay sa bus, papasok sa mga mall at enclosed na lugar. Halos normal na ang pamumuhay namin..."
PHOTO/S: Courtesy of Boy Austria

Ipinagdiriwang ng mga mamamayan ng Israel ang Araw ng Kalayaan ng kanilang bansa mula Abril 14 hanggang Abril 15.

Pero higit na naging makasaysayan ang selebrasyon nila noong nakaraang buwan dahil hindi na sila obligadong magsuot ng mga face mask bilang proteksiyon laban sa coronavirus.

As of April 29, 2021, sixty percent (60%) ng populasyon ng Israel ang tumanggap ng libreng Pfizer vaccines mula sa kanilang pamahalaan.

Tinatayang 30,000 hanggang 50,000 ang bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa Israel.

Nakausap ng Cabinet Files ang caregiver na si Boy Austria, na labing-anim na taon nang nagtatrabaho sa Israel.

Tinanong namin siya tungkol sa sitwasyon sa Israel buhat nang ideklara ng pamahalaang puwede nang hindi gumamit ng face mask ang publiko kapag lalabas sila mula sa kanilang mga tahanan.

"Sa open areas, puwede nang walang face mask. Pero kailangan pa ring gumamit kapag sasakay sa bus, papasok sa mga mall at enclosed na lugar," sabi ni Boy sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files ngayong Lunes, May 3.

Continue reading below ↓

"Halos normal na ang pamumuhay namin dahil bukas na ang mga establishment, pati ang mga school, pero temporarily closed pa ang mga sinehan.

"Yung mga bata, pinapayagan nang pumunta sa mga mall at sa mga fastfood restaurant.

"Sa mga bar, hindi na kailangan ang face mask.

"Maraming pumupunta sa mga bar, mas crowded. Totally, nasabik pumunta sa bar ang mga tao, lalo yung mga kabataan.

"Ilang beses ko nang nakita, nag-aaway sa bar, masyadong nagiging wild yung mga kabataang lumabas kaya nagkakaroon ng gulo. Wala nang physical distancing."

COVID VACCINATION

Ang Israel ang isa sa mga bansang niluwagan ang COVID-19 restrictions dahil marami na ang naturukan ng bakuna.

Ayon kay Boy, “Sixty percent ng population, nabakunahan na.

"Sixteen years old pataas ang mga binabakunahan, hindi kasama yung maliliit na bata. Pfizer lang ang vaccine na itinurok.

"Ang side effects, yung unang dose na itinurok sa akin, halos two days na masakit. Parang namumuo. Yung pangalawang dose, nilagnat ako.

Continue reading below ↓

"Kapag OFW ang magpapaturok, passport ang ipinapakita. At kung Israeli, National ID ang kailangan.

"Pagkatapos maturukan, hindi muna kami pinaaalis para tingnan kung may side effects. Yung iba kasi nahihilo.

"Yung mga dumarating sa Israel mula sa ibang bansa, required na mag-quarantine ng five days at swab test."

NATIONAL ID SYSTEM

Sinabi ni Boy na ang pagkakaisa at pagkakaroon ng disiplina ng mga Israeli ang ilan sa mga dahilan kaya nagtagumpay ang Israel na makontrol ang pagkalat ng coronavirus.

Ibinahagi rin niya ang kanyang obserbasyon tungkol sa paraan ng paghahatid ng balita ng Israel media sa publiko.

Saad ni Boy, "Sa Pilipinas, parang tinatakot ang mga tao sa pagbabalita. Parang pagrabe ang sitwasyon.

"Dito sa Israel, nagbibigay ng hope at puro positive ang paraan ng pagbabalita ng media.

"Inire-report nila kung ilan ang cases ng COVID-19, pero pagkatapos, sinasabi nila ang mga dapat gawin.

"Kumbaga, laging may kasunod na positive, kaya ang mga tao, kalmado pa rin. Hindi sila natatakot."

Continue reading below ↓

Ang Teudat Zehut (National ID) o ang compulsory identity document na ibinibigay ng Ministry of Interior ng Israel sa mga mamamayang may edad labing-anim pataas ang tinukoy ni Boy na dahilan ng pagkakaroon ng disiplina ng mga Israeli.

Saad niya, “Ang isa sa mga nakakapagpadisplina sa mga tao dito sa Israel, National ID.

“Halimbawa, noong kasagsagan ng pandemya, nahuli ka na walang suot na mask, hihingin nila ang National ID mo at bibigyan ka ng ticket.

“Kailangan mong magbayad ng penalty. Kapag hindi ka nagbayad, maiipon ang interes hanggang ma-hold ang pera mo.

"Kaya ang mga tao, ayaw lumabas dahil baka malimutan nilang gumamit ng mask, pagmumultahin sila.

"Automatically, agad na mababawas sa sahod nila ang multa. May mga pasaway rin pero bibihira kesa sa mga pasaway sa Pilipinas."

Patuloy ni Boy, "Sa mga OFW naman, ang passport ang aming ginagamit na ID. Naka-register ang passport namin sa post office, sa munisipyo.

Continue reading below ↓

"Yung passport number namin, konektado sa mga bayarin sa tubig, sa tax, sa kuryente.

"Kapag nahuli kami dahil may violation at hindi namin binayaran ang penalty, pagkuha namin ng sahod sa post office, bawas na or ipinapaalaala nila.

"Kung hindi nabayaran ang penalty at, halimbawa, pauwi kami sa Pilipinas para magbakasyon, pagdating namin sa airport, ipapaalala sa amin na may babayaran kaya hindi kami basta makakalabas ng Israel."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy caregiver Boy Austria on situation in Israel after the government's decision to end outdoor face mask mandate: "Sa open areas, puwede nang walang face mask. Pero kailangan pa ring gumamit kapag sasakay sa bus, papasok sa mga mall at enclosed na lugar. Halos normal na ang pamumuhay namin..."
PHOTO/S: Courtesy of Boy Austria
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results